3

12 2 0
                                    

"Ano pare? Sali ka na ba?" Tanong sakin ni Eros, habang si Thanatos seryoso lang ang tingin sakin.

Baliw din tong kambal na to. Hatakin ba naman ako kanina. Kakausapin ko pa naman si pandak, para tanungin kung bakit niya ko iniwan. Tapos eto lang palang walang kwentang basketball ang gusto nila pag-usapan.

"Sige na payag na you." Tanong ni Eros, habang tumatango naman si Thanatos.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa. Gaya namin ni Christian, hawig na hawig din sila at sobrang mag-kaiba ang ugali. Si Eros na sobrang masayahin at maingay at si Thanatos na laging seryoso at tahimik. Pero kahit ganun magkasundo na naman silang dalawa.

"Hmm. Ayoko." Sagot ko at saka subsob ng mukha ko sa may desk. Sobrang antok ko pa rin, kaya konting pikit ko lang at makakatulog na ko.

"Utang na loob pre. Kulang talaga kami ng isa. Sabi ni captain pilitin ka daw namin, dahil kung hindi iibitin niya kami sa puno." Pag-mamakaawa ni Eros.

"Eros. Pano ko pagkakasyahin sa buong mag-hapon ko ang pag-lalaro ng basketball? Pasok sa school sa umaga at pasok sa trabaho sa gabi ako. Ngayon pang regular na ko sa Mcdo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ehh? Sa Mcdo ka nag-tratrabaho? Bakit nung nakaraang linggo sa Jolibee kita nakita? Wag mo sabihing regular ka sa Mcdo at part timer ka sa jolibee? Diba bawal yun?" Gulat niyang tanong.

Akala ko may mga taong pinanganak na walang alam gaya ni Eros. Pero kahit papano pala may alam siya.

"Bawal nga." Sagot ko.

"Eh bat mo ginagawa?" Tanong niya.

"Eh bat ka nagtatanong?" Tanong ko.

Bawal naman talaga yun. Gabi-gabi sa Mcdo ako lagi. Tapos kapag may free time sa umaga o basta may ibigay na sched sakin na pang umaga sa jolibee, dun ako. Kung tutuusin sa jolibee talaga ako nag-apply at unang natanggap. Pero isang araw may mga nag-tangkang mag-nakaw sa franchise owner na pinagtrtrabahuhan ko sa Mcdo, ayun tinulungan ko. Tapos pinilit ko siyang ipasok ako sa trabaho. Sa totoo lang di ko siya tutulungan kung di ko alam na siya may-ari ng Mcdo na yun.

"Mag-resign ka na sa Jolibee." Nakangising sabi ni Eros sakin.

Nginitian ko rin naman siya."Gago ka?" Tanong ko sa kanya.

"Tss. Sige na para makasali ka na sa basketball team namin." pagpipilit niya. Talagang wala siyang balak na tigilan ako ah.

"Teka lang Eros. Ikaw pilit ka ng pilit sakin, pero etong si Thanatos parang wala lang sa kanya. Siguro hindi totoong ibibitin kayo sa puno?" Tanong ko.

"Hoy toto-" Napigilan si Eros sa sasabihin niya nung bumanat si Thanatos.

"Totoo yun. Pero di na kailangang pilitin pa kita. Matalino si Eros, alam kong makakaisip siya ng paraan para mapilit ka." Walang bahid ng emosyon na sabi niya.

Talaga naman. Lakas ng tiwala niya kay Eros ah. Napansin ko naman na medyo maluhaluha si Eros.

"Kambaaall. I love youu na talaga." Sabay yakap niya kay Thanatos. Habang yung kambal niya, tulala lang. Nakakadiri. Binabawi ko na di nila kami kapareho ni Christian.

"Nakakatuwa naman yang pag-mamahalan niyong dalawa." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Pero walang magagawa yan para mapilit niyo ko." Sabay seryoso kong sabi.

"Sigurado ka bang di ka na namin mapipilit?" Sabi ni Eros saka nag-pakawala ng nakakalokong ngiti.

"Fuck you Eros. Kung may binabalak ka mang gawin tigilan mo na." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Fuck- Hoy pre di tayo pwedeng magsabihan ng fuck nakakadiri ka. Lalaki sa lalaki, yaoi yan boy." -Eros

"Tss. Tigilan mo ko sa kalokohan mo, pwede?" Sabi ko sa kanya.

She's killing me. (On-going)Where stories live. Discover now