4

20 1 3
                                    

Sa wakas pag-katapos ng dalawang araw magaling na rin ako. Taena sa wakas tapos na rin ang buhay ko sa bahay na parang nasa impyerno! Siraulo kasi si pandak, walang oras na hindi kami nag-murahan at nag-sakitan. Pero siya naman ang nag-umpisa ng mga yun. Di ko nga akalaing gagaling pa ako.

"Punyeta. Sakit ng balikat ko." sabi ko sa sarili ko at saka pinaikotikot ito.

"Pare!" sabay akbay ng damuho sakin.

"Ano ba! Balak mo bang mag-kasakit ulit ako?" siraulong Eros tss.

"Bakit ayaw mo ba nun? Para alagaan ka ni Minji." sabay sundot sa tagiliran ko.

"Gusto mo ikaw na lang! Tara dito bibigyan kita ng sakit tsaka mag-pabantay ka kay pandak." sabi ko sa kanya sabay kulong ng ulo niya sa kamay ko. Alam kasi nito na kay pandak ako tumutuloy. Medyo alam din naman kasi yung sitwasyon ko kung bakit ako dun nakikitira.

"Bakit di mo ba trip? Tanga ka ba? Iba ang pakiramdam kapag babae ang nag-aalalaga sayo tuwing may sakit ka." dugtong niya pa.

Tama iba talagang pakiramdam. Sobrang sakit ng mga hampas. Sobrang pait ng pag-kain. Sobrang dumi sa bahay. Sobrang sakit sa tenga ng tenga. Sobrang-

"Ta mo natulala ka pa! Ibig sabihin tama ako. Type mo rin si Minji." sabi niya pa. Type? Oo type kong itali sa upuan at busalan ang bibig.

"Ano bang pakiramdam sinasabi mo? Sapak gusto mo?" banta ko sa kanya.

"Syempre, kakaiba. Masarap sa pakiramdam." sabay yakap niya sa sarili niya at ngiti na parang ewan. "Ipagluluto ka. Aalagaan ka. Hahaplusin ang noo mo. Babantayan ka. Ang sarap talaga nun. Tapos tatabihan ka sa kama, tap- Aray naman Devian! Ang sakit nun ah." sigaw niya sa akin. Sino bang hindi masasaktan sa batok ng isang Devian? Tss.

"Tigiltigilan mo ko sa mga pinagsasasabi mo. Para kang tanga!" sabi ko sa kanya.

"Bakit di niya ba ginawa yun?" tanong niya.

"Ginawa naman." matipid kong sagot.

"Ginawa naman pala! Tapos para kang inosente dyan. Ano? Masarap ba? Aray!" nabatukan ko na naman.

"Oo ginawa niya! Pero sa masamang paraan. Pinagluto ako ng pag-kain na hindi makakain. Pinaglilinis ako kahit may sakit ako. Pinainom ako ng tubig ulan. Pinainom ako ng maling gamot. Hinahampas ako. Sinisigawan. Minumura. Tingin mo nasarapan ako dun?! Tingin ko nga papatayin niya ako kesa pagalingin! Tangina lang. Kaya tigilan mo ko Eros." sigaw ko sa kanya.

"Tingin ko nga hindi." sabay mahinang sabi niya. "Phew! Ayoko ng mag-kasakit kapag siya ang kasama." sabi pa ni Eros.

"Si Minji." napatingin kami ni Eros sa nag-salita. Ngayon ko lang napansin na nandito pala siya.

"Oo kambal. Si Minji nga pinaguusapan namin kambal." sabi naman ni Eros sa kanya sabay yakap dito.

"Hindi. Si Minji pinapanood kayo kanina." mahina at diretso niyang sabi.

Lumingon ka agad ako. Shit! Baka magalit yun. Panigurado bugbog na naman abot ko.

"Kailangan kong mag-sorry." sabi ko sa kanila.

"Tingin ko nga rin." sagot naman ni Eros.

Minji's POV

"Tigilan mo na nga yan. Ang mahal mahal ng notebook tapos gaganyanin mo lang?" sabi sakin ni Nikka.

"Oo nga. Kawawa naman yung mga puno." mahinhin na sabi ni Alexa.

Bait talaga ng mga kaibigan ko. Imbis na ako ang alalahanin etong notebook ang inalala? Badtrip. Andun na yung pag-eemote ko tapos bibiradahan ako ng ganyang hirit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's killing me. (On-going)Where stories live. Discover now