Chapter 2

32 1 0
                                    

She doesn't remember.

Even through my drunken phase and beer-addled state, the only things I saw in her eyes were anger, pain, shock, humiliation.

No, she doesn't remember me at all.

I should have readied myself for that to happen.

And yet it still effin' hurts.

I never expected to see her in a place like this. I never expected to see her again.

Maybe my imagination was tormenting me; reminding me of her, of what we could be.

That's why I tried to drown the feeling that began to claw into that dormant organ with another girl's lips.

And getting soaked to the skin with beer.

Yeah, I guess I deserve that.

----------------------------------------------------------------------------------

Alam niyo yung moment na bago ka magising, yung in-between ka ng reality at dream world? Tipong nakadilat ka na pero nagliliwaliw pa rin ang diwa mo sa universe?

Sana nanatili nalang ang diwa ko doon. The moment that my mind booted and readied itself for the day, my mind chose the wrong time to remember what happened yesterday, particularly last night.

"Ughhh." ang tanging lumabas sa bibig ko bago ko tinakpan ng unan ang aking mukha. Kahapon ang pinakaworse day ever ng buhay ko.

Nanakawan ako ng isang stranger ng isa sa pinakaprized possession ko. AAAAGGGHH!!

 "Anak? Anong nangyari? Ok ka lang ba?" katok ni mama sa pinto ng kwarto ko.

Nanatili lang akong nakahiga at sinagot yung tanong ni mama. "Ok lang ako ma."

Binuksan ni mama ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto. Umupo siya sa kama at inilagay yung kamay niya sa noo ko.  Maya-maya pa, hinimas himas niya ang ulo ko at napapapikit nalang ako. Nakakarelax kasi e, bakit ba?

"E bakit ka sumigaw?" tanong niya habang tuloy pa rin yung himas niya. Gusto kong ikwento kay mama pero tatanong niya kung paano ako nakapasok sa bar, sino kasama ko at bakit ako nandoon in the first place. Baka magrounded pa ako ng wala sa oras kahit ang totoo,  si Dariel ang main objective namin.

"A-ah. May langgam kasi akong nakita. Tapos isang army sila kaya napasigaw ako. "

"May langgam." balik ni mama na parang hindi naniniwala.

Langgam Des? Sana nananaginip ka ng aliens at hindi langgam ang sinabi mo. Ayyyy. Di na pwedeng magback track at baka mas mabisto.

Tinignan ko si mama sa mata and hoped na hindi niya mahuli ang bluff ko. After ng staring contest, nagsigh lang siya at tumayo.

"Sige anak. Bumaba ka na pagkatapos mong magbilang ng langgam. May pagkain nang nakahain." at kiniss niya ako sa noo.

"Opo ma." sabi ko sa kanya at ningitian niya ako bago sinara yung pinto ng kwarto. Bumangon ako sa kama at tinignan ang alarm clock. 6:30 palang. Tama lang ang gising ko. Usually maaga akong magising kapag weekends. Siguro nasanay na dahil sa weekdays maaga rin akong magising.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Rhianne na pumunta sa bahay. Hindi ko man masabihan si mama, at least makwekwentuhan ko si Rhirhi. Ang kaso nga lang, kung gaano man kaaga gising ko siyang late naman gising ni Rhianne. 10 ng umaga. Or ako yung hindi normal ang gising? 

Pagkatext, stretching onti tapos nakita ko yung mga bracelet na work-in-progress sa isang table ko. Dahil teal and white ang kulay ng room ko, hanggang sa kama (teal comforter and cream pillowcase) kitang-kita yung mga bracelet sa table. Iba't ibang kulay yung mga gawa ko, minsan combination minsan monocolor lang. Kinuha ko yung latest kong ginagawa at umupo sa floor. Sa room, sobrang narerelax at at peace ako dahil naaalala ko ang beach sa kulay ng kwarto. Sobrang nakakacalm sakin yung beach kaya tuwing summer, hindi mawawala sa plan ang pumunta sa beach.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now