Chapter 3

41 1 0
                                    

Bandang 11, umuwi na si Rhirhi at nagpaalam ako kay mama kung pwede akong pumunta sa mall.

Then, she turned investigator mode on me. “Sino kasama mo?” complete with investigator voice.

“Ma, ako lang po.”

“Bakit hindi mo isasama si Rhianne?”

Nagsigh lang ako at nagshrug. “Ma, alam niyo naman si Rhianne pag nakatapak sa mall.”

Tumingin siya sa ceiling at mukhang napaisip. “Hm, sabagay.”

Si Rhianne kasi, ang 30 minutes nagiging 4 hours kapag napadpad ng mall. Mahilig masyadong magshopping pero hindi damit, sapatos or make-up binibili niya. Mga cooking ingredients. Nagaala- Master Chef siya sa bahay naming at sa kanila at kami ang mga judges. And I must say, 100 out of 10 ang score niya palagi. Samantalang, kung may gusto kayong paghigantihan at lasunin, I’m the one to call. Bwahaha.

Tinitignan tignan ako ni mama habang naghihiwa siya ng mansanas. Pagkahiwa, kumuha ako ng isa bago pa man niya mataboy kamay ko. “Gaano ka lang katagal?”

“Buong araw.” Magproprotesta siya pero nagsalita ako agad. “Joke lang. Mga 30 minutes lang po. Kelangan ko lang bumili nung mga gagamitin namin para sa physics.”

“Kelangan mo ng  pera anak?” at inaabot na niya yung coin jar namin pero pinigilan ko siya. “Hindi na po mama. Nagcollect na po ako ng funds sa group para makabili.”

Bumalik siya sa paghihiwa at nakakuha uli ako ng isang slice nang inaabot niya yung coin jar. She raised her eyebrows at me at ngumisi lang ako sa kanya. Umiling-iling lang siya pero nakangiti naman. Kumuha uli ako ng isa pa at tumakas bago pa ako yung islicin niya.

Tinawag ko siya habang papalabas ako ng bahay. “Sige ma, una na ako!”

“Bumalik ka agad ha.” Tawag niya pabalik.

“Opo ma.”

Pagdating sa mall, dumiretso agad ako sa supermarket para bilhin yung garbage bag at kandila. Pagkatapos, pumunta naman ako sa bookstore para sa nylon string at cardboard. Dahil may 15 minutes pa ako, naggala na ako sa loob ng bookstore. Shemay, ang dami kong gusting bilhing libro! Nakita ko yung isang set ng John Green books at halos magtatatalon-talon ako sa bookstore. Shems, John Green! Gusto kong mabasa yung The Fault in Our Stars niya bago pa ito magshowing sa sine. Nung hindi pa ito trending, gusto ko na talaga siyang basahin. Sobrang gusto ko kasi yung mga heartbreaking stories katulad nito, My Sister’s Keeper at iba pa. Nako, dapat sabihin ko kay Rhianne na manonood kami at hindi siya pwedeng umayaw. Dadalhin ko pa si Dariel para lang sumama siya.

Halos yakapin ko na yung set sa akin pero dahil wala pa akong pera as of now, inilapag ko uli ito sa ibabaw ng shelf. Huhu, I left my heart with it too. Nagscan din ako nung ibang shelves at nakita ko na naman yung librong The Fault in Our Stars. This time, hindi siya nakabox. Tinignan ko yung price at binalik ko nalang uli ito, halos mangiyak-ngiyak. 400 pesos siya. Pwede akong humingi kina mama ng pambili pero gusto ko, pinagipunan ko siya. Mas satisfying kasi na medyo naghirap ako para makuha ko yung bagay na gusto ko. Tama naman di ba?

Tumingin-tingin uli ako sa shelves. Dahil sa sobrang tinetake in ko yung mga libro habang naglalakad, hindi ko na napansin kung saan ako papunta.

At kung sino man ang mabubulldozer ko.

BLAG!

"Aray! Ano ba yan? Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" sigaw sakin nung nakabangga kong babae. Mga 30 years old siguro siya at halos mag-usok yung tenga niya. Wala naman siyang dala na nalaglag at hindi rin naman ganung kalakas yung pagbangga ko sa kanya.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now