Chapter 5

41 1 0
                                    

Dahil sobrang immersed ako sa pagbabasa, hindi ko agad namalayang may nagdodoorbell pala. Narinig ko nalang pagkatapos kong basahin yung libro at humahagulgol ako sa unan. Life, why you so unfair?!

Tumayo ako sa kama at bumaba. Sinilip ko sa bintana kung sino yung nagdodoorbell. Mukhang nagtetext yung tao at doon ko napansin ang kanyang buhok.

Binuksan ko ang gate namin at tumingala siya. Ngumiti ako sa kanya.

“Dariel!”

“Des. Kamusta? Andyan ba sina tito Marlon?”

“Ok lang naman. Wala pa sina mama at papa e.”

“Ganun ba? Sige balik nalang ako.”

“Ay hindi. Pabalik na rin yung mga yun! Hintayin mo na sila sa sala.” Ano Des? Alam ko, uwi nila, 7:30 pa. At anong oras pa lang, 5:30?  Paghihintayin mo si Dariel?

“Sigurado ka?”

“Oo naman no.”

He sighed then smiled. “Sige.”

Nauna ako sa kanya dahil ayokong makita niya mukha ko. Ano ka ba Des. Di ba binalaan ka nina papa na huwag magpapasok ng ibang tao pag wala sila?

Pero si Dariel naman ‘to e.

Kahit na. Tapos lalaki pa yan. Hay naku Des, asan ang utak mo? Lumilipad na naman sa outerspace? Nakarating na siguro yun ng Jupiter.

Eeehhh. Andito na siya. Nasabi ko rin na ayos lang na dito siya maghintay.

Bahala ka Des. Lagot ka kina papa.

Pagkapasok namin, pinaupo ko si Dariel sa sala habang nagprepare ako ng merienda. Naglabas ako ng tubig at yung mocha crumble na gawa ni mama. Naglagay ako sa platito at dinala ito kay Dariel. Nagthank you siya at umupo ako sa kabilang silya.

Pagkaubos niya sa mocha crumble, inilapag niya yung plate sa table sa gitna. Then he looked at me and stared.

I swear, I was immobilized. Hindi ko magalaw yung katawan ko kahit na deep inside, sinisilaban yung pwet ko at gusto kong magpagulong-gulong sa sahig.

“Do you want to do something?” he asked, his voice rough.

“W-what?”

He smiled on only one side of his mouth. My breath caught and my heart felt like it’s trying to break free from my ribs. He’s walking towards me and when we were just a ruler apart, umupo siya sa harapan ko.

Nakatitig lang ako sa kanya and for sure, nakanganga lang ako. I know. I can feel my mouth drying.

Then he smiled like a child with something naughty in his mind. Shems! Ano ba gagawin nitong lalaking ‘to?

“Des, laro tayo.”

Ano raw?

“Ha?”

“Laro tayo Desdes. Medyo boring maghintay nang mag-isa.”

He tilted his head to the side and I swear nagsommersault yung heart ko palabas ng bahay at sumama na sa utak ko sa outer space. He is just so cute! AAAAAGGGHHHH.

“A-anong..anong klase ng laro, D-Dariel?”

“Bahay-bahayan.”

“H-HA?!”

“Oh Desdes, napatayo ka?” sabi niya habang humahagikgik. Maya-maya pa napahiga siya sa sahig at hawak na ang tiyan kakatawa. Ako nakatitig lang sa kanya. Jusko Des, nasa outer space na rin ata common sense ni Dariel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now