Chapter 2

42.8K 954 27
                                    

Date uploaded : June 12, 2014

Chapter 2

Kyle

Ohhhh..myyy..goshhhhhhh!!! Sya pala si Air! No wonder at humaling na humaling si Ate Jazzy sa kanya. Hindi lang sya gwapo, ooooozzzzing with sex appeal pa. Matangkad sya at halatang-halata mo na maganda ang kanyang katawan sa suot nyang simple white shirt. At grrrrraaaabbbbeeee ang galing mag-gitara. Parang laruan lang ito sa kanya! Ang bilis ng kamay nya sa paglipat-pilat sa strings na nagpo-produce ng music.

"Wow, he's good." Sabi ko habang nakatulala lang ako sa kanya.

"I told you." Sabi ni ate Jazzy na nakangisi that says 'ayaw mo kasing maniwala'.

Nagsimula nang kumanta si Air and I can say that he also have the voice, hindi ko lang type ang music nya. Hindi kasi ako mahilig sa maiingay na music. I'm more into classical and pop music. You may call me lame, pero iyan talaga ang gusto ko e. Kanya-kanyang taste lang yan.

All the while, habang kumakanta si Air, parang walang kapaguran ang audience na naglululundag at sumasabay pa sa pagkanta sa kanya. Mukhang very popular ang mga kanta nya at alam na alam ito ng mga audience, kahit si Ate Ja talaga namang kuntodo bigay ang pagkanta at pagsayaw! Nakaupo pa rin ako sa habang pinakikinggan ko ang pagkanta nya. Noong una ay ok lang, kahit na maingay ito ay bearable naman pero habang tumatagal ay nagiging bothered ako sa mga kinakanta nya. Oo, lively ito, maganda ang melody at catchy ang beat, pero ang content ng lyrics ay parang napakabigat, punong-puno ng galit sa mundo at hinanakit.

I looked at the man singing at the middle of the stage. Sya kaya ang nag-compose ng mga kanta nya? Mukha naming napakabata nya para magkaroon ng sobrang galit sa puso nya. He looks to be around 23 to 25 years old? Hmmmm... ano kayang nangyari sa kanya at bakit ganon ang nilalaman ng mga awitin nya?

I was trying to decipher him when he looked at me. Parang medyo napatagal ata ang pagkakatitig nya sa akin. Iyan ba ang tinatawag na 'connecting to your audience'? Then all of a sudden he winked at me and smiled.

OHHHMYYYGOSH!

MUNTIK NANG MAHULOG ANG PUSO KO!

Lumingon-lingon ako baka naman nasa likurang table lang ang girlfriend nya.

Malabong girlfriend nya ang nasa likod ko.. BADING E! O baka naman bading sya??? YYYYUUUUUCCCKKKKSSSSSS! EWWWWWWW!

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag ko at tinignan ang message. Of course naman si mommy, what do I expect? Wala namang ibang mag-te-text sa akin.

Mom: It's time to drink your meds. NOW NA!

Me: Ok.. opo... I'm on it.

Haaayyy... si Mommy talaga... oh well, mas lalo akong magtataka kung hindi sya tumawag o mag-text. Inilapag ko sa lamesa yung cellphone ko at hinalungkat ko yung bag ko para makuha ang mga gamot ko. Pero dahil sa malikot ang mga spotlights ay hindi ko ito makita.

Oh well. I better go to the ladies room na lang. Or better yet, I have to go home na lang. Sobrang nakakaantok pala ang gamot na iinumin ko.

Kinalabit ko ang pinsan ko.

"Ate Ja. I'm going home na." Sigaw ko sa kanya.

"O. bakit? Kala ko pa man din nag-eenjoy ka na!"

"Well, yeah.. sort of.. medyo.. But I have to drink my meds at sigurado akong mahihilo na ako afterwards.. ipasusundo na lang kita kay Manong mamaya."

"Sure ka?! Ang lapit ni Air O. Halos abot-kamay na! baka ngayon mo lang sya masilayan nang ganyang kalapit!"

"No, it's ok. I had enough na rin. "

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now