Chapter 5 part 2

40.2K 849 41
                                    

Date uploaded : 8-4-14 

AN... 

Haist... iba talaga kapag nandito si Mother dear... nau-ubliga akong mag-update ng AIB! Hala! I was suppose to update crescent moon.. e dahil gusto nya itong story na ito... ayannnnnn..... 

Chapter 5 part 2

Kyle

Sandali akong napasandal sa puno na malapit sa hanging bridge, at huminga ng malalim. Iniyug-uyog ko ang ulo ko. Grabe nahilo ako don a! I thought it was fun crossing the bridge at first, pero noong nasa kalagitnaan na kami ay nalulula na ako! Nag-b-bounce kasi ito, especially kapag may naglalakad na iba. Hindi rin nakatulong ang malakas na alon na nakikita ko sa paanan ko! Mabuti na lang at kasama ko si Air inalalayan nya ako. Bilin pa nya na wag na wag akong titingin sa baba kundi mahihilo ako. Pero hindi ko maiwasan na paminsan minsan ay tumingin sa paanan ko dahil kailngan ko din makita ang hinahakbangan ko, baka lumusot ako at mahulog sa tulay! Mas mahirap yon!

Laking pasasalamat ko nang makarating kami sa kabilang dulo at nakahinga na ako ng maluwag.

"Are you alright?" Tanong ni Air.

"I just need a minute."

Hinalungkat ko ang bag ko. Alam kong may naitatago pa akong candy dito. Makakatulong iyon para mawala ang hilo ko.

"Sabi ko sa 'yo, kailangan mo ako."

Naka ngisi na naman sya sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay. Kailangan daw?! Pero, kung iisipin nga naman, baka ma-stock ako sa gitna ng tulay kung hindi nya ako tinulingan.

I shrugged.

"Oo na.. Sige na." Nakita ko na yung hinahanap kong candy, at maya maya lang ay bumalik na sa katinuan ang ulo ko.

"Saan ba ang bus station dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko din alam."

Wow! Grabe! Ang galing ng tour guide ko!

"Don't look at me like that. Hindi naman ako nag-co-commute dito. Hindi naman siguro mahirap hanapin yon."
Napansin ko na may nakapilang tricycle sa di kalayuan sa kinatatayuan namin. Hindi ko na inantay si Air at lumapit na ako dito.

"Kuya, saan po ba ang sakayan ng bus papuntang maynila dito?"

"Doon nap o kayo pupunta sa kabilang bayan, mas malapit sana sa bayan ng San Sebastian, pero putol naman ang tulay. Kaso walang nagsasakay na dyip papunta doon ngayon, marami kasing nagtumbahang puno sa kalsada. Hindi ko lang alam kung naitabi na nila ang mga yon."

Pinanghinaan naman ako ng loob sa sinabi nya.

"Pero kaya mo bang lumusot? Dodoblehin ko ang bayad mo."

Sabi ni Air sa tricycle driver. Napangiti naman ako sa effort nya. Sandaling nag-isip yung driver at maya maya lang ay nakasakay na kami sa masikip na side car nito.

Ang laki naman kasi nitong taong to! Naso-soffocate ako!!!!

"Ummmm... Pwede bang umurong urong ka ng konti?"

"Wala na akong uurungan, dulo na ito."

"Ang sikip naman! Ang laki mo naman kasi e! Napaka uncomfortable!"

Napangisi na naman sya. "Hmmmm... Affected ka pa din bas a akin?"

"Pwede ba! Tigilan mo nga ako dyan sa affected, affected na yan! FYI, walang effect sa akin yan appeal mo!"

"Ok, sabi mo e. Since hindi ka affected sa akin,mag forward ka na lang ng konti, para medyo lumuwag-luwag tayo."
Iniurong nya ako ng kaunti at isinandal nya ako sa dibdib nya na para bang naka-akbay sya sa akin!!!

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now