Chapter 10 part 3

34.9K 834 57
                                    

Date uploaded : 8-14-14
Chapter 10 part 3

"Lola Madam!!!"

Tumakbo kami papuntang sa kinatatayuan ng lola namin at masayang masaya akming niyakap nito.

"Ang magaganda kong apo! Manag mana sa Lola! Look at both of you, mas lalo kayong gumaganda!" Proud na proud si lola habang iniinspeksyon nya kaming dalawa. Masyadong mapanuri ang mga mata nito at walang nakakaligtas sa kanya. She wants everything to be perfect. kailangan perfect ang pananamit, perfect ang make-up and all that. Kaya pala ang daming ibinabang bedsheet kanina ng kasambahay namin, malamang naghahanap ng perfect na kobre kama si lola madam. And I just hope na papasa kami ni ate ja sa quick inspection nya, dahil kung hindi diretso kami malamang sa boutique nito.

"Both of you are really looking good! " Hay salamat at mukhang satisfied sya sa nakita nya. "Ilan na ba ang napaiyak nyong lalake?"

"Marami na.. And counting! Hahaha" sabi ni ate ja.

"Pasaway ka, baka maniwala si Lola."

"Totoo naman e!"

"Bakit biglaan naman kayong napauwi? Sana nasundo namin kayo sa airport."

Magkakayakap kaming tatlo pababa ng hagdan. Sa San Francisco nakatira si lola kasama ang bunsong kapatid ni mommy. 3 years ago ng huling makabisita si lola dito sa Pilipinas, pero yearly naman kaming dumadalaw sa kanya kapag nagbabakasyon. At the age of 65, she is still looking good, still sexy at sosyal na sosyal pa din. Di hamak na mas vain pa sya kay mommy. At kapag nandito sya, halos araw-araw ay nasa mall kami, dahil gusto nyang bilhin ang buong ladies section ng department store para mapormahan kami ni ate ja. At hindi lang mall ang favorite place nya, idagdag pa sa listahan ang spa and beauty salon.

"I wanted to surprise you, and I think i did a good job on that...... And who are you?!"

OH MY GOSH!!! Nakalimutan ko na nasa salas si AIR at si Gaygie!

"Ummmm lola ano... si ano po... ummmmm"

PANIC MODE!!!

Pinanliitan ni Lola Madam si Air as if she's scrutinizing every part of him.

"You look terribly familiar."

Lumapit si Air kay Lola at nagmano ito. Wow! May manners! Akala ko he was the cool type at walang pakialam sa traditional customs ng mga Pilipino. Wrong judgment on my part. Nakita ko sa mukha ni lola na na-aapreciate nya ang gesture ni Air. Well, ako rin naapreciate ko din ang ginawa nya. Pogi points! Napangiti ako, but I have to look away ng biglang tumingin si Air sa akin. KABOG KABOG NA NAMAN!

"Good afternoon po lola." At nakilola na rin? FC lang ang peg? hmmmm.

"Good afternoon din. Wala bang magpapakilala sa akin? Sino sa dalawang ito ang girlfriend mo?" Taas kilay pero nakangiti naman si lola.

"LOLA! He's just a friend!" Ipakilala na nga at baka kung ano na sabihin ni lola mamaya! " Lola this is my friend Air, Air this is my Lola, nakasanayan na rin na tawag namin sa kanya na LOLA MADAM. "

"Ako naman po si Gaygie." Nauna pang inabot ni Gaygie yung kamay nya sa lola ko.

"Hindi namin tinatanong." Sabat ni Ate Ja.

"Wuuuuu.. ang suplada naman nito!"

"Oo nga naman Ja, don't be so rude. Mukha naman syang matino kahit na mukhang sinukuan ng mga fashion guru. " Napangiwi si Gaygie na ikinatawa naman ni Ate ja. " But never the less, It's nice meeting you young lady."

"And you...." Ibinaling ni Lola ang atensyon nya kay Air. "Sinasabi ko na nga ba at kilala kita! You are Air Alcantara the rock icon! It's a pleasure to meet you!"

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now