Chapter 15

33.7K 955 71
                                    

Date uploaded: 8-27-14

AN.. Sorry namadali ko to.. Natambakan ako ng trabaho.. Ngayon naman inaantok na ko.. Ayaw ko lang na hindi magupdate ngayon...

Nga pala.. Join kayo sa dalawang group ko sa FB. Walang magawa book compilation saka falcon university group. Nangangailangan nga pala ang group ng male OPs. kung interested kayo please pm Red Amanar, Alex Fajardo or Tanya Fajardo. 

Chapter 15

Kyle

"Kamusta na ang magaganda kong mga apoinks!"

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pareho kaming napatalon ni Ate Ja sa gulat!

Kararating lang ni Lola Madam at sa itsura nya, mukhang maligayang maligaya sya, kuntodo bihis na hawaiian inspired na damit with matching na pagkalaki-laking sumbrero! Mukhang magfa-fashion show lang ang peg nya! Haist! kakaiba talaga, Madam na madam talaga. Saan kaya galing si Lola at medyo tan na sya ngayon? Mahigit isang linggo nawala si lola at sabi ni mommy ay nahatak na naman daw mamasyal kung saan saang parte ng PIlipinas ng mga amiga nya. And from the looks of it, mukhang galing syang beach.

"Lola! baka mas mauna pa kaming atakihin sa puso nito kesa sa inyo!" Sabi ni Ate Ja, pero pareho kaming lumapit kay Lola Madam para magmano.

"And what are you two up to?" Nakita ni Lola yung maleta na inaayos namin ni ate ja. "Mag-aabroad kayo?"

"Hindi La, FIRST DAY OF SHOOTING KO NGAYON!!! AAAAAAAAAAAA!!!! I'M SOOO EXCITED!" nagtititili si Ate Ja.

Nagulat si Lola. " Bakit? Kelan ka pa naging artista?"

"Simula nung iniwan nyo kami at nagliwaliw." Sabi ni ate ja at bumalik sa kama kung saan nya tinitiklop ang mga nagkalat na damit.

"hmmmmm. Anong oras call time mo?"

"An hour from now la, kaya nga naghahagilap kami ng wardrobe." Sabi ko habang inilalagay ko ang iba pang kinuha kong damit sa maleta ni Ate Ja.

Tumingin sa wrist watch si lola. "Ok, I'm still up for it. wala naman akong ginawa sa byahe kundi matulog. Mag-sho-shower lang ako then alis na tayo."

Nagkatinginan kami ni Ate Ja, at sabay tingin kay Lola Madam na para bang nakakita kami ng taong hibang!

"Ummm.. La, wait lang.... What do you mean by tayo?" tanong ko.

"Tayo... means, Your Ate Ja, Me and you."

We looked at her in disbelief.

"Huwat!? Wala akong balak sumama Lola, tinutulungan ko lang si Ate Ja sa mga wardrobe requirements nya. Saka bakit nyo gusting sumama? Balita ko, mahirap sa set! Wag na lang, baka masira pa ang beauty nyo. Magpahinga na lang kayo."

I just hope na makinig si Lola sa akin.

"Hindi pwede, susuportahan natin ang Ate Ja mo. Mag-P-PA na rin tayo sa kanya para may mag-aasikaso sa kanya."

"Ay Lola, don't worry, hindi ko kailangan ng cheering squad or ng PA, Promise." Medyo naaalarma na si Ate Ja dahil mukhang desidido si Lola madam!

"E paano kapag nasa set ka? Walang magbabantay ng mga gamit mo?"

"Iwan sa van. Pumayag naman si Tita at si Kyle na ipadala sa kin sa taping yung sasakyan with matching driver pa."

"Korek lola, kayang-kaya ni ate Jay an. Saka hIndi ako papayagan ni Mommy. Kaya dito lang ako."

"At anong gagawin mo dito? Tinutubuan ka na ng mushroom dito sa kwarto mo. At tignan mo, ang putla-putla mo. Halos hindi ka na maarawan. Mukha ka ng multo! Ako ang bahala sa nanay mo. We leave in 10 minutes. "

The AIR i BreatheHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin