kabanata 6

19.9K 105 3
                                    


Noli Me Tangere Kabanata 6 – Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Siya ay mahigit kumulang tatlumpu't limang taong gulang. Datapwat hindi nakapag-aral ay naturuan naman siya ng isang paring dominiko.

Nang mamatay ang ama ay itunuloy pa rin niya ang pangangalakal. Nakilala niya si Pia Alba na taga-Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Napabilang ang mag-asawa sa mataas na antas ng lipunan dahil sa pagiging mayaman at mahusay magpalakad ng negosyo.

Mailalarawan si Kapitan Tiyago bilang isang magandang lalaki na may moreno, pandak, at bilugan ang mukha. Sinira ng pananabako at pagnganganga ang kanyang hitsura.

Siya ay naninilbihan bilang gobernadorcillo. Kasama sa kanyang paglilingkod ang paghamak sa mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain.

Kastila na rin ang turing ng Kapitan sa kanyang sarili samantalang ang turing naman niya sa mga Pilipino ay Indio. Pinaniniwalaan ng Kapitan na ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga.

Ang Kapitan ay kaibigan ng lahat ng mga may kapangyarihan lalo't higit ng mga pari. Kaya naman hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit.

Ang mga maibigan niyang santo maging ang kabanalan ay nabibili nito. Punong-puno ng mga dinadasalan ang silid ni Kapitan Tiyago katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo, at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep).

Maraming ari-arian ang nabibili ng Kapitan dahil sa pagnenegosyo. Kabilang na diyan ang pagbili niya ng lupain sa San Diego. Siya namang naging daan upang makilala niya ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.

Sa loob ng anim na taon na pagsasama ng mag-asawang Kapitan Tiyago at Pia Alba, at sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa nila ay hindi naman magka-anak ang dalawa. Walang humpay sa pamamanata ang mag-asawa. Sa payo naman ni Padre Damaso ay namanata ang dalawa sa Obando at sumayaw sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao si Pia Alba.

Nagdalantao nga si Pia Alba makalipas ang kaunting panahon (lingid sa kaalaman ni Kapitan Tiyago ay hinalay pala ni Padre Damaso ang kanyang asawa at ang katotohanan ay nailantad rin kalunan).

Ngunit si Pia Alba ay naging masasakitin na siya namang naging dahilan upang tuluyang mamatay pagkatapos nitong manganak.

Maria Clara ang ipinangalan sa bata na inalagaan ni Tiya Isabel. Siya'y busog din sa pagmamahal nina Kapitan Tiyago at ng mga pari.

Sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay lumaking magkababata. Sa udyok ng mga pari ay ipinasok ng kanyang ama si Maria Clara sa kumbento ng Sta. Catalina ng ito ay maging katorse anyos samantalang si Ibarra naman ay nagtungo sa Europa upang mag-aral ng medisina.

Sina Kapitan Tiyago naman at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal sina Maria Clara at Ibarra sa takdang panahon. Hindi naman ito tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay kapwa nag-iibigan.

Talasalitaan:

Bugtong – nag-iisa

Ganid -sakim
Kapus-palad – salat
Kawaksi – katulong
Magsing-irog – magkasintahan
Nagkubli – nagtago
Tinutuligsa – pinupuna
Tiwasay – tahimik
Umaalipusta – umaapi

"Buod Ng Noli Me Tangere"Where stories live. Discover now