kabanata 15

30.2K 96 4
                                    

Noli Me Tangere Kabanata 15 – Ang mga Sakristan

Ang mga kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan ay ang magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa.

May hinaharap palang matinding suliranin ang dalawang bata. Nagbibigay ito ng kawalang pag-asa sa kanila lalo na sa mas nakakabata na si Crispin.

Siya ay pinagbintangan ng pari sa pagnanakaw ng dalawang onsa o halagang tatlumpu't dalawang piso. Hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi dahil ang sahod lamang nila sa pagsasakristan ay dalawang piso kada buwan. Tatlong beses pa naman ang pataw sa multa.

Hiningan niya ng tulong ang kanyang kuya na si Basilio. Hiniling niya na kung maari ay tulungan siyang magbayad sa ibinibintang sa kanya ng pari. Ngunit hindi pumayag si Basilio dahil kailangan din niyang ibigay sa kanilang ina ang kanyang kita upang may makain.

Nahiling na lang tuloy ni Crispin na mabuti pa sanang silang lahat ay magkasakit. Nangungulila na ito sa kanyang ina. Naisip niyang kung kapiling lang sana nila ito ay tiyak na ipagtatanggol sila ng ina sa kalupitan ng mga pari.

Dagdag pa ni Crispin, sana nga ay ninakaw na lang niya ang pera ng sa gayon ay may maibabalik pa ito at kung mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid.

Si Basilio nama'y nag-aalala sa galit ng kanyang ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid.

Ngunit buo ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na siya ay nagnakaw. Ipapakita umano niya ang maraming latay sa buong katawan dahil sa palo ng pari, pati na rin ang butas niyang bulsa.

Sasabihin din daw niya na ang pera lang niya ay isang kuwalta lamang na aginaldo pa sa kanya noong nakaraang pasko. Pati ito ay pinag-interesan pa ng sakim na pari.

Sa patuloy na pag-uusap ng magkapatid ay di nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Nagpupuyos ito sa galit dahil sa narinig niya ang pinag-uusap ng dalawang batang sakristan.

Dahil dito ay pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Dagdag pa ng sakristan mayor, hindi maaring umuwi si Crispin hangga't hindi nito ibinabalik ang ninakaw na salapi.

Mas lalo lamang napahamak si Basilio ng magtangka siyang mangatwiran. Makakauwi lamang daw ito sa ika-sampu ng gabi.

Mapanganib para kay Basilio ang umuwi ng ganitong oras dahil mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi.

Matapos itong sabihin ng sakristan mayor ay kinaladkad na niya si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio dahil sa pangamba at awa sa kapatid.

Naririnig niya ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nadarama. Binalot si Basilio ng matinding paghihinagpis. Natulala at nawalan siya ng pag-asa para tulungan ang kapatid na mabago ang kanyang kalagayan.

Sa pagtila ng ulan ay nagpatihulog si Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.

Talasalitaan
Habol-hininga – buntong-hininga
Hiyaw – sigaw
Inalo – inaruga

Kalumbayan – kalungkutan
Nagpatibuwal – nagpadalus-dalos
Nananalasa – sumisira
Palahaw – pananangis
Panaghoy – daing
Tinutulan – hindi sinang-ayunan

"Buod Ng Noli Me Tangere"Where stories live. Discover now