kabanata 14

29.3K 110 2
                                    

Noli Me Tangere Kabanata 14 – Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo

Kasabay ng araw ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng kanyang ama ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa libingan ng kanyang asawa.

Dahil sa kakaiba nitong personalidad ay kilala ng lahat ng tao sa San Diego si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo.

Siya ay laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami siyang pananaw sa pulitika at lipunan. Dahil sa hindi siya nauunawaan ng karamihan ay tinawag nila itong baliw.

Galing sa isang mayamang pamilya si Pilosopo Tasyo. Siya ay matalino at matalinghaga kung magsalita. Sa unibersidad ng San Jose ito nag-aral na kalaunan ay pinahinto ng kanyang ina sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan niya ang Diyos.

Nais din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binatang Tasyo. Ngunit sinuway niya ito at nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay maagang nabyudo ang Pilosopo at imbes na mag-asawang muli ay inilaan niya ang kanyang oras sa pagbabasa ng libro. Di nagtagal ay napabayaan nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina.

Sa kabila ng paparating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan ay kapansin-pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo.

Ang mga tao ay nagtataka sa matalinghaga niyang sagot sa kanyang reaksyon. Ayon sa Pilosopo, ang bagyo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan.

Iminungkahi din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat sa halip na mga paputok at kwitis. Tutol din siya sa pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog.

Pinatawanan naman siya ng mga taong nakarinig sa kanyang mga sinabi.

Nagpunta si Pilosopo Tasyo sa simbahan at nakita niya doon ang dalawang magkapatid. Sinabihan niya ang mga ito na kung maari ay umuwi na dahil ang kanilang ina ay naghanda ng isang espesyal na hapunan.

Natuwa ang mga bata sa narinig ngunit sa huli ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa kanilang tungkulin sa simbahan.

Nagpatuloy sa paglalakad si Pilosopo Tasyo hanggang sa marating ang bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Kanilang napag-usapan ang pagdating ni Ibarra sa bayan.

Nabanggit din ng Pilosopo na nadarama niya ang paghihinagpis ng binata lalo na ng malaman nito ang sinapit ng kanyang ama. Dagdag pa niya, isa rin daw siya sa anim na kataong nakipaglibing sa ama ni Ibarra.

Ang kanilang usapan naman ay napadako sa purgatoryo, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo ngunit pinaniniwalaan naman nakararami.

Bagamat hindi naniniwala ang Pilosopo sa purgatoryo ay nirerespeto naman daw niya ang pananaw ng relihiyon dito. Aniya, ito raw ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis.

Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang Pilosopo at lumakad palayo ng masiglang-masigla sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.

Talasalitaan:

Angkop – nararapat
Dagok – matinding kasawian
Kalapastanganan – pagyurak sa dangal
Lapastanganin – halayin
Lintik – kidlat
Magarbo – marangya
Mapanganib – delikado
Matimbang – mabigat
Nakatutulig – nakabibingi
Sinurot – kinurot

"Buod Ng Noli Me Tangere"Onde histórias criam vida. Descubra agora