Chapter 2

5.9K 134 13
                                    

CALLIX' POV

Alas dose na ng gabi,pero hindi parin ako makatulog.pagkatapos kung patulugin si Callia ay agad ko naman na pinuntahan si Samantha sa guestroom,naabutan ko rin siyang tulog kaya hindi narin ako nagtagal sa kanyang silid.

Hindi ko pa magawang sabihin kay Klea,alam kong mahihirapan lang siya intindihin ang mga sasabihin ko,kaya nakiusap ako sa kanilang lahat na wag na ikwento at ipaalam kay sa kanya kung sino si Samantha sa buhay namin.

"I love you very much baby."bulong ko sabay halik kay Klea na mahimbing na natutulog.Ibang-iba to sa totoo kong asawa,simula noong magsama kami ni Klea dati,walang gabi na hindi niya ako hinihintay matulog,kahit na late ako umuwi sa gabi,alam kong nagtutulog-tulugan lang ito,pero look at her now.mahimbing na natutulog kahit wala ako.

Kinabukasan maaga akong nagising,nangako kasi ako kagabi kay Callia na lalabas kami ngayon.ayoko ko siyang ayawan dahil gusto kong makabawi sa kanya sa sama ng loob na naibigay ko sa kanya.

"baby,wake up." nakangiti ako kay Klea,unti-unti niyang minulat ang kanyang mata sabay kusot nito.

"We're are we going?"

"Dr.Clar is waiting for you today.ngayon ang check-up mo."

I hugged her.pero gaya ng nakasanayan,wala siyang reaksyon at hindi niya nasusuklian ang yakap at halik na lagi kong ginagawa sa kanya.

ngumuso ako,I really miss her.ang malambing at maalaga kong asawa.

"Sige,maliligo lang ako."sabi niya tsaka tumayo at naglakad papasok sa banyo.

While waiting,agad ko namang binisita si Samantha sa kanyang kwarto,pero laking gulat ko ng wala siya doon.

Alam kong hindi dapat ako mag alala dahil nandito lang siya sa bahay,pero sa naiisip ko na baka magkita sila ni Callia ay baka mamaya bigla silang mag-away.

"Nakita niyo ba si Samantha?"tanong ko sa isang katulong ng makasalunong sa hagdanan.

"Nandoon po siya sa hardin,kasama si Madame."nakahinga ako ng maluwag.

agad akong tumungo sa hardin,at tama nga.naroroon si Lola at Samantha,with Calli.

"Daddy..goodmorning."masiya niyang bati sabay halik sa akin.

"Goodmorning baby. buti naman at lumabas ka.."

Humalik din ako sa pisngi ni Lola, tsaka bumati sa kanya.

"Goodmorning sa prinsipe ko." sabi ko naman kay Calli.tumango lang siya sa akin at agad na nag iwas ng tingin.

"Naabutan ko lang po si Lola at Calli na nandito sa hardin,kaya lumapit na po ako."

Dumating ang isang katulong na may dalang cookies at gatas,umupo si Samantha sa tabi ni Calli.pero si Calli ay nanatiling nakatingin sa swimming pool.

Hindi siya kumikibo,hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o may iba pa siyang iniisip.

"Lola,aalis muna kami ni Klea.today is her schedule sa check-up.isasama ko na si Callia,may tutor si Calli mamayang hapon,baka hindi kami makuwi kaya dito na muna siya."tumango si Lola sa sinabi ko.

nilingon ko si Samantha na ngayon ay nakanguso at malungkot ang mukha.

Alam ng diyos kung gaano kahirap sa akin ang bawat kilos na may nasasaktan ako.pero alam kung magiging maayos din ang lahat,babalik ang ala ala ni Klea at maiintindihan ng mga bata at sitwasyon ko.

lumuhod ako sa harap ni Samantha tsaka iniipit sa tenga ang nakalugay na buhok.

"sorry,may aasikasuhin lang kasi kami anak,stay here and rest first.okay?"

I Wanna be your MANWhere stories live. Discover now