Cbapter 10

4.3K 86 6
                                    

"Kung ito ang makakatulong sa iyo anak, basta nandito lang kami  ng lola mo..okay? Callix, wag mong pabayaan ang pamilya mo." bilin sa amin ni Mommy.

Nakahanda na ang lahat ng gamit namin sa sasakyan, dito pa kami naghapunan sa mansyon kaya alas otso na kami makakaalis papunta sa bahay na lilipatan namin.

"antok na ang kambal, sige na..umalis na kayo para makapagpahinga ng maaga ang dalawa." Si Nanay.

Nauna ng pumasok ang kambal sa loob ng kotse, Si Callix din naman ang magmamaneho dahil may mga bodyguard naman na nakasunod sa amin at nasa unahan. Isa-isa kong niyakap sila mommy,lola at nanay. nahagip pa ng mata ko si Samantha na pababa sa hagdanan pero hindi ko na siya hinintay,nauna na akong pumasok sa kotse para doon maghintay kay Callix.

ayoko sanang idamay ang bata,pero kung ito ang paraan para bumalik ang alaala ko kailangan ko munang panindigan ang plano ko ng walang nakakaalam at hahadlang.

mangiyak-ngiyak si lola ng hinalikan siya ng asawa ko at yakapin, hanggang sa nakaharap na siya kay Sam nakita ko nalang na pumasok na si Mommy at Nanay sa lob ng bahay, naiwan si lola na katabi ang bata,dahan-dahan kong binaba ang bintana para marinig konti ang sasabihin nila sa isa't isa.

"Daddy,iiwan niyo po ako dito?" tumulo ang kanyang mga luha.

Parang tinusok ang dibdib ko sa narinig,ramdam ko ang sakit sa pang iiwan ng isang ama sa anak. tila may bumalik sa nakaraan ko na hindi ko maipaliwanag, sa unang pagkakataon ngayon ko lang narinig na tinawag ng bata si Callix ng daddy.hindi na ako nagulat dahil nasabi narin sa akin lahat ni Zara pero hindi ko maiwasan ang makonsensya sa sitwasyon nioang dalawa,ang hindi ko pa maintindihan, bakit hindi kayang sabihin ni Callix sa akin na anak nila ng Kiarie na iyon si Sam?dapat ay ipaglaban niya ito.hindi naman siya ang tunay na ama eh,bakit di niya kayang magpaliwanag yon ang hindi ko maintindihan.

"sshhh...don't cry Samantha, daddy will always be here for you.okay? tatawagan kita mamaya pagdating sa bahay."

maingat kong intinaas ang bintana doon ko lang napansin na tumutulo na pala ang luha ko,ganito na ba ako kasama na ihiwalay si Sam sa kinikilala niyang ama? tama ba itong pamamaraan ko.

"You okay?..let's go.." buti nalang at madilim hindi na napansin ni Callix ang pag-iyak ko.ayoko kasing magtaka pa siya kung bakit ako nagkakaganito.

Noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Samantha, ganoon din si Callix,hindi man siya nagsasalita ay am kong mabigat sa kalooban niya na iwan ang bata.

BALIK trabaho ako sumunod na araw, hindi man pumayag si Callix ay wala parin siyang nagawa dahil hindi ko pwedeng ipagpaliban ang mgs designs na kailangan kung pag aralan para sa exhibit sa susunod na buwan.

"Ma'am Klea galing po ako sa Callisia Wood Co. ni-request po ni sir Callix na dalhim dito ang mga lay-out at samples ng mga ginawa niyo dati para ma i review bilang pahahanda sa nalaapit na exhibit."

umupo ako sa harap ni Lea na siyang tauhan doon sa Tarlac, naikwento na ito sa akin ni Callix pero nakalimutan ko na ngayon pala ang dating niya.

"Thank you Lea, nag abala ka pa talaga kahit may kalayuan.. don't worry lahay naman ng ito ay magagamit ko. gusto ko din sanang makita ang listahan ng nga pioneer sa Callisia Wood Co. na nasa production area, I want to meet them, gusto kong mapahandaan nila ang nalalapit na target ng mga furnitures para sa exhibit,hindi lang basta exhibit yon dahil mamimili ang sikat nainterior designer na si Lui Beckham malaking oportunidad sa kompanya kung tayo ang makukuha."

"Yun din po ang pagkakaalam ko,mag sesend po ako ng memo mamaha tungkol dito para mai schedule ang pagpunta  niyo doon,sa ngayon po ang mga naipadala ni Sir Zedrick na mga disenyo ang tinatapos sa production.. kailangan daw kasi itong ma deliver sa susunod na linggo."

I Wanna be your MANWhere stories live. Discover now