Chapter 20

4.7K 114 25
                                    




Parang isang sulat at hindi text message ang ipinadala sa akin ni Zara habang papunta kami sa isang kilalang event center sa Makati.

"Klea are your ready?" Russ asked.

nakababa na si Nica at Brenz, aki ang huling bababa kaya huminga ako ng malalim bago itapak ang paa pababa ng kotse.

nakakasilaw ang ilaw na nakatutok sa amin, naunang kinunan ng litrato sila Brenz at Nica, sunod ay si Russ..iilang reporters ang lumapit at kinunan sila ng pahayag kung gaano ka excited sa mga ilalabas na designs ngayong taon, dahil kilala sila bilang kaibigan namin ni Callix.

"Ms.Klea Ria, ano po ang masasabi ninyo na hindi mo kasabayan ang asawa mo na dumating dito, imbes ay si Ms.Alcantara..", singgit ng isang babae.

Hindi ko siya sinagot, umiwas lang ako. madami naman ang mga guards sa paligid kaya hindi sila agad na nakakalapit sa amin. Hanggang sa natigil ako sa isang tanong.

"Naghiwalay na po kayo dati ng kilala rin na  CEO ng CK Furniture, ano po ng masasabi ninyo ngayong may balita na muli itong mangyayari dahil sa isang babaeng kailanlang nagpakilala na may ari ng CK Design."

buti nalang at dumating si Zed, hindi ko inaasahan na ganito ka dami ang tao at ang media na nag-aabang ngayon, kung alam ko sana kahit sana sa back stage nalang kami dumaan.

"excuse me..excuse!!!"Si Zedrick habang hinihila ako papasok sa venue.

Pagkapasok ay bumungad sa akin sila Heinz at Russ. halos pareho ang suot nilang mga tuxedo, nakapamulsa silang pareho at parang may hinahanap.

"Anong meron?" Tanong ko.

lumapit si Zara sa akin, hinalikan ako sa pisngi bago bumulong.

"Relax lang.si baby, anytime na makita ka namin na tumataas na ang dugo ay naku..kakaladkarin ka namin palabas dito."

"She's here.with my cousin..." bulong naman ni Nica.

Ayoko pa sana silang makita, kahit na gusto kong ilaban si Callix ay nasasaktan parin ako,may mga bagay na hindi ko pa maintindihan.

"Oh..Klea, you are here. Ang sabi ni lola sa amin ay hindi ka makakapunta, may sakit ka daw.. That's why nandito si Zedrick para pumalit sayo."

pilit ang ngiti ko ng nilingon si Gail, katabi nito ang asawa ko. pilit kong pinalalakas ang tiwala aa aking sarili, sa totoo lang gusto kong manlambot, nakakamatay pala kapag mismong harap-harapan mo ng hinaharap ang mga taong nananakit sayo. Hindi bakas sa mukha nila ang presensya ko, nakangiti si Gail, si Callix naman ay hindi makatingin ng maayos sa akin at kay Zedrick lang nakatuon ang mga mata.

Lola na agad ha!gusto kong pumalakpak, pero hindi pa ako pwedeng pumalag.baka agad akong palabasin nila kuya kenjie dito.

"I'm fine now..sinabi ko kasi kay lola na kailangan kong alagaan ang sarili ko ngayon, mas importante kasi ang---"

"Callix, let's talk.." natigil ako ng magsalita si kuya kenjie na nasa likod lang pala namin..

"sige.." bigla nalang naglaho ang dalawa sa harap namin.

Hindi maipinta ang mukha ni Gail ng bigla siyang iwan ni Callix ng walang sinabi, ganoon siya ka kampante na may gusto sa kanya ang asawa ko?

ngumiti ako sa kanya at umiling nalang bago umalis ng di na tinapos ang sasabihin..

"Klea hindi pa tayo tapos.."mahina niyang sabi pero pasigaw.

"Yes Gail, hindi pa tayo tapos, wag kang magmadali baka hindi mo magustuham kung paano ko tapusin itong laro mo."

I Wanna be your MANWhere stories live. Discover now