Chapter 14

4.1K 82 1
                                    

"Kailangan mo ba talagang pumunta sa Tarlac?" tanong ni Callix habang inaayos ko ang kanyang damit.

Lilipad kasi sila ng Hongkong kasama ang iilang staff ng CK Funiture para sa summit meeting at mga conference. hindi ako pwedeng sumama kahit gusto niya dahil marami akong kailangan gawin lalo na dalawang tatlong linggo nalang at exhibit na.

"babe, napag-usapan na natin yan."simula ng makalabas ako sa hospirtal at nalaman ang tungkol sa summit na ito ay kinulit na niya ako na sumama.pero hindi parin nagbago ang isip ko dahil kailangan ako ng Callisia Wood Co. At hindi ko ito pwedeng pabayaan  dahil sa dami ng proyekto na natatanggap.

"hindi mo ba alam na ito ang unang pagkakataon na malalayo ako sayo dahil lang sa meeting na iyan Klea..nangyari--"hindi niya nadugtungan ang sasabihin.

"nangyari na ano?"hamon ko ng may maalala.

"Nevermind..remember to call me everynight,everyday everymorning..."siniko ko siya ng niyakap niya ako galing sa likuran.

"Magtatrabaho nga ako,edi mauubos ang oras ko kapag puru tawag.may sahod pa ba ako nun?"tumawa kaming dalawa.

Ang saya lang kapag ganito,hindi stress, may problema man pero normal lang ngunit hindi ko mapigilan ang kabahan.

Kinabukasan ay umalis na sila Callix,noong araw din na iyon ay ang byahe ko papuntang Tarlac, ang kambal ay naiwan sa mansyon at doon din ako tutuloy pansamantala habang wala pa si Callix.

pagdating ko ay agad na inayos ng mga tauhan ang ipapakitang sira sa mga nagawa ng funiture para sa exhibit.

"doon po sa capentry ang may problema ma'am.kung hindi sa. Sub-standard na materyales ay wala na kaming ibang maisip sa kung paanong nasira ang mga ito.maayos naman ang lahat bago mag holiday,pagbalik namin kahit anong review sa cctv ay wala namang tao na nakapasok dito." paliwanag ng isa.

"Oo nga po Ma'am Klea..nakapagtataka po, hindi naman marupok ang mga kahoy na agad-agad masisira wala pang dalawang linggo na nagawa." dagdag pa ng isa.

paikot ikot ako,isa-isang tinignan ang mga upuan pati ang mga lamesa na nagkanda bali sa di malaman na dahilan.

"Gusto kong makita ang review ng cctv simula sa gate 1 at gate 3. noong holiday, at Siara bigyan mo ako ng lista ng mga naka duty noong araw na iyon,pati ang log in at log out kasama na ang mga oras ng pumasok sila. Gusti kong suriin niyo ng maayos kung meron ba talaga ang sumira nito."

"Noted ma'am."Si Siara.

"Maganda ang uri ng kahoy na ito,posibleng masisira ito agad ng hindi sinasadya. itigil niyo ang production ngayong araw ,magpahinga at ihanda ang sarili sa general meeting mamayang hapon. Lahat ng seksyon,gusto ko naroon. At wag kayong mag-aalala makukuha natin ang offer  magtiwala lang tayo at magtulungan.okay?"

nagpalakpakan ang lahat ng staff na nasa production, sunod kong binisita ang office. Isa-isa ko rin na nakilala ang mga bagong empleyado at bahagi ng Callisia Wood Co. masaya din ako na nakita ang mga tauhan ko ng nagsisimula pa lang ako na nandito parin at nasa mataas na,na posisyon.

kasama si Zedrick pinuntahan namin ang dating bahay kung saan na naging bahagi rin ng buhay ko kasama ang aking pamilya, medyo luma na ito pero makikita mo parin ang kagandahan at ang pagiging iba ng disenyo kumpara s ibang bahay na nandito.

"Papatayin na ako ng asawa mo kapag nalaman niyang nandito pa ako at hindi nakakaalis pabalik sa Iloilo Klea..bumalik ka na sa hotel bago pa iyon tumawag at mag video call."

bahagya akong natawa kay Zed,lagi kasi siyang ganoon. ang linya na mapapatay siya ni Callix at ang lagi ko namang sagot ay hanggang salita yon dahil buhay parin siya hanggang ngayon.

I Wanna be your MANWhere stories live. Discover now