4

3.6K 201 10
                                    


4



Maganda



We walked back to the jeepney station. Half day lang sina Lukas ngayon kaya sasamahan na niya ako pabalik sa palengke. I was at his back while Lukas' strides were too fast for me to keep up. I was panting already from the heat of the sun and the insulting way he treats me right now. Hindi ko maintindihan kung may nagawa man akong mali. Ang bait ko na ngang makitungo sa kanya pero puro kasungitan naman ang balik sa akin.

For the past three weeks, I have seen him for quite a number of times staring at me with those judging eyes. I don't know but everytime I meet those deep brown eyes, I always feel uncomfortable. Kaya siguro mas madali akong mairita sa kanya dahil sa paraan ng paninitig niya, parang laging nakabantay at nagdududa sa akin, naghihintay lamang na magkamali ako para mapaalis na niya.

Pinipilit ko siyang intindihan. Hell, would I be here, almost running after him, if I am not trying to understand all his moodswings?! Hah! Hindi ako pinalaki ng daddy ko na maging mabait sa mga taong masama sa akin. Kung masama sila, masama ako. Kung mabait, mabait ako. I treat the people around me the way they treat me. Si Lukas lang ang kaibahan.

Gusto ko siyang makasundo bilang pagtanaw ng utang na loob kay Lola Esmeng pero talagang konting konti na lang ang natitirang pasensya ko. The guy was a good for nothing jerk! I know Lola told me to give him a chance 'cuz he is a nice person pero wala talagang nice sa kanya, duh! Well, aside from his face. The man is practically beauty personified but hell, I would rather have a monstrous friend with an angelic character than a pogi who's a demonyo.

Gigil akong nakatingin sa malapad niyang likod habang naglalakad kami sa mabatong daan pabalik sa palengke. Susunduin kasi namin si Lola Esmeng sabay tutulong na rin para maisara ang karinderya.

Habang naglalakad ay biglang hinubad ni Lukas ang kanyang polo. Naiwan ang puti niyang tshirt na hapit na hapit sa kanyang katawan. Noong maalis niya iyon ay sinabit niya ang polo sa kanyang balikat bago ako nilingon. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang siya ay huminto sa paglalakad.

"Kaya mo pa? Di ka sanay sa lakaran, ano?"

Pinalobo ko ang pisngi ko at nilampasan siya sa paglalakad. Kaasar!

Fuck you! Fuck you, Lukas Aviar! Nakakainis ka na!

"Your spoiled, dainty feet can't take it anymore, huh, princess? Umuwi ka na kasi," aniya bago binilisan ang lakad. Nilampasan niya ako bago ako hinarap at patalikod na naglakad. Namulsa siya habang iyong titig niyang arogante ay bumalik.

"Pauwi na tayo, hindi ba?"

Tumaas ang sulok ng labi niya, nairita.

"Hindi mo bahay ang bahay namin. Ang bahay ninyo, mansyon. Malayong malayo sa kubo namin ni Lola," he concluded. Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya ng mariin. Ganoon din ang ginawa niya. The accusing menace of his stare made me uncomfortable once again.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo pa ring bumalik sa palasyong pinanggalingan mo. Bakit? Too tired with the glitter and gold, huh? O baka naman gusto mong maranasan kung paano maging mas mahirap pa sa daga? Ekperimento lang, ganoon?"

Kinuyom ko ang aking palad para pigilan ang namumuong galit sa aking dibdib. This man really knows to challenge the patience of anyone, even a saint!

Nagtaas baba ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya. I have never been this angry my whole life! Sumakit ang lalamunan ko at nag iinit na ang gilid ng aking mata habang kinakalma ko ang sarili ko.

SwitchedWhere stories live. Discover now