Former ChocoVanilla ni Barney

2K 24 12
                                    

EDITED.

Hindi ko alam kong bakit ko ginawa ang librong ito, pero basta ko nalang ipinagpatuloy ang pagtipa. Nilalaman nito ang mga kabalbalan ko sa buhay na hindi ko din alam kong bakit kailangan niyong malaman.

Hinaing sa sistema ng gobyerno, mabagal na pila sa Mcdo, mababang grades sa math. Kiligan, tawanan, harutan, hug mo ako hug mo ako! Mga bagay na hindi importante pero nais nating malaman. Kaya naimbento iyong word na ‘curious’.

Marami akong gustong ibahagi sa panimulang ito, ngunit bigla nalang nawala ang mga salitang ipapataw ko dito. Tulad  ng kapeng narito sa aking desk na hindi ko pa nauubos at tuluyan ng lumamig. Nakakaantok. Bahala na kayo kong patuloy kayo sa pagbabasa.

PS: ANG MGA TAONG HINDI SUSUPORTA SA AKDANG ITO, NGUNIT NABASA ANG UNANG LETRA KUKULAMIN KO MAMAYANG GABI. PEKSMAN.

Malambot na HaliparotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon