Kabanata 2

7.9K 292 14
                                    

Kabanata 2

Mas masakit

"AT LEAST, let me treat you dinner bago ka umuwi sa inyo,"

For the third time, tinanggihan ko si Emilio. Sabado ngayon at mag-hapon na kaming magkasama dahil inasikaso namin ang presentation isa sa mga subjects namin.

Alas-otso na ng gabi at katatapos pa lamang namin i-finalize ang report. He's too intelligent at kapag may sinu-suggest ako, he gets easily my point.

May mga oras din na nagdidiskusyunan kaming dalawa. Magkaiba ang pananaw namin sa isang bagay pero nagkakaintindihan naman.

And instead of being offended dahil feeling ko ay wala s'yang tiwala sa ginagawa ko, hindi na lang ako nakipag-talo pa. I tried to understand his point. And one more thing, we are the same. Pareho kaming grade conscious na dalawa. Mahirap kapag nakipag-diskusyunan ka ng matagal sa pareho mong conscious sa grado. Talagang sasabog kayo pareho dahil sa information na nakukuha ng bawat isa.

At nasanay na din siguro kami pareho na madalas ang napupuntang grupo sa 'min ay 'yung palaging 'okay na 'yan, 'bahala na'. Kaya ganun ang kinalabasan ng partnership naming dalawa.

"'Maybe next time na lang. Pagod na din kasi ako,"

I badly want to rest already. Gusto ko nang matulog dahil kagabi pa akong walang maayos na tulog dahil na din sa kagagawan ni Claudio. Kapag weekend talaga kasi ay madalas matulog s'ya sa 'kin o kaya naman, ako ang natutulog sa bahay n'ya.

Katulad ko, si Claudio ay mag-isang namumuhay din dito sa Sagrada. 'Yun nga lang, I don't know his reason kung bakit s'ya narito.

"Exactly, habang nagpapahinga ka, ipagluluto muna kita ng dinner then ihahatid na din kita sa inyo,"

I eyed him. Kanina ko pa napapansin ang pagpapalipad hangin n'ya sa 'kin. Kung maganda lang ako, iisipin kong may gusto sa 'kin ang isang 'to.

Buy sad to say, walang nagkakagusto sa 'kin. Kahit nung hayskul hanggang ngayong college, walang nagtangkang manligaw sa 'kin.

I'm already twenty but still, NBSB.

Ibang sitwasyon naman kasi ang sa 'min ni Claudio.  Katulad din kami sa mga nababasa kong libro na walang relasyon pero naggagamitan ng katawan.

Pero hindi katulad ng mga babaeng protagonist doon, I won't expect na magiging kami ni Claudio. Malayong mangyari ang bagay na 'yon sa totoong buhay.

Walang prince charming na mahuhulog sa isang tulad ko dahil ako lang naman 'to.  Si Nona, isang nerd at apat ang mga mata pero hindi pa rin makita ang sariling halaga.

And one more thing, Claudio's not a prince charming. Pwede s'yang gawing fictional character sa isang libro na pwedeng-pwede mong pangarapin at kaya mong abutin. Pero hanggang doon na lang 'yon. Dahil sa totoong buhay, isa lang akong taga-hanga n'ya. Hindi ako nababagay sa kan'ya.

We are exactly opposite. I'm talkative, he is silent. And what people see on him is just a tip of an iceberg. Claudio is a mysterious type of man. Kumpara kay Pres. Joachim, he rather choose to be silent than to speak.

"Please Asena,"

Hindi ko s'ya nilubayan ng titig. Hindi ako mapakali sa inaakto ni Emilio. Kung tutuusin, hindi naman namin masyadong kilala ang isa't isa. Kaya I am wondering kung bakit umaakto s'ya ng ganito.

"Are you just being hospitable o may iba ka pang nais iparating, Emilio?"

I am a nerd but not your typical girl. Prangka akong tao. Kapag may napansin ako, makaka-asa ka, pupunain ko ito.

One-Woman Man 2: Foolish Heart (CLAUDIO)Where stories live. Discover now