Kabanata 3

6.6K 240 7
                                    

Kabanata 3

Tinanggap

"WHAT's the real score between you and the soccer player?"

Ilang araw nang laging ganyan ang tinatanong sa 'kin ni Jam. Isang linggo na din kasi ang nakaka-lipas nang kumain kami sa labas ng dinner ni Emilio at ngayon ay araw na naman ng lunes.

"What do you mean?" binitiwan ko ang tasa ng kapeng hawak upang hindi dalawin ng antok.

It's past ten in the evening already but we are still here at the Statesman office. Tambak ang trabaho namin ngayon dahil sa mga article na ilalabas next month.

"Manunulat ka ng Statesman pero hindi mo alam na may nagkalat na picture n'yong dalawa nung linggo sa isang resto? Pangalawang beses na 'yun na lumabas kayo. Nililigawan ka ba?" tinaas-taas n'ya pa ang magkabilang kilay.

Hindi naman 'yon sadya. Nagkataon lang na nagkita kami sa isang resto nung linggo dahil tinatamad akong mag-luto nang mga oras na 'yon.

Kumain kami sa iisang mesa pero hanggang doon lang 'yon. But I wont deny the fact that Emilio offered na ihahatid ako sa apartment.

Siniko ko sa siko si Jam at baka marinig pa kami ni Pres. Joachim. Baka mang-asar na naman.

"Hindi ako nililigawan ni Emilio. Nagkataon lang 'yon!" pinandilatan ko pa s'ya ng mata.

"Ba't ka bumubulong kung ganun? Saka anu naman kung nililigawan ka? Mabuti nga 'yon para magka-jowa ka naman,"

Napapikit ako ng mata. Sinasabi ko na nga ba't mapapansin pa rin kami ni Pres. Joachim. Even Ligaya, nakatingin na din sa 'min ni Jam.

"Stop murmuring girls, finish your works para maka-uwi na tayong lahat. Gusto ko nang umuwi, I wanna get laid tonight!"

Napa-face palm na lang kami ni Jam. Akala ko naman ay seryoso nang pinapagalitan kami ni Pres. Joachim. Isisingit lang pala ang pagkatigang n'ya.

Hindi na kami naimik pa at tinapos na lang ang ginagawa. Saktong mag-aalas onse nang bumukas ang pinto at iniluwa si Pres. Messiah.
Hinayaan ko na lang kasi si Ligaya naman talaga ang pinunta nun dito.

"That's enough, Buenavidez. Sarado na ang Unibersidad pero nandito pa rin kayo,"

Humikab ako saka sumandal sa upuan saka pinikit ang mga mata. Inaantok na ako.

Mabuti na lang at sumangayon si Pres. Joachim kaya nagligpit na kami. Matapos nun ay sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina.

Maingay ang grupo naming naglalakad patungo sa parking lot nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalake.

Dahil nahuhuli sa paglalakad, hindi nila alam na lumihis ako at pinuntahan ang nakita ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako. Nagpapasalamat pa ako't nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin s'ya.

Nanatiling naka-yuko at naka-sandal si Claudio sa dingding habang ang dalawang kamay ay naka-suksok sa magkabilang bulsa ng slacks na suot. Pansin ko lang, kinahiligan n'ya ang ganito.

"Claudio..."

Tawag ko ulit sa kan'ya nang hindi n'ya pa rin ako kinibo. Ang totoo n'yan, isang linggo na din kaming ganito. Kung noon kahit tipid lang s'ya kung mag-salita, ngayon, kapag sinusubukan kong kausapin s'ya nang kami lang dalawa, ni isang salita wala nang namumutawi sa mga labi n'ya.

Hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganito.

"Martinez," saka lamang s'ya nag-angat ng tingin sa 'kin.

One-Woman Man 2: Foolish Heart (CLAUDIO)Where stories live. Discover now