Kabanata 5

5.7K 262 14
                                    

Kabanata 5

Desisyon

AKALA ko magulo lang ang isip ko nang halikan ko si Emilio kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Pero nang naka-uwi na ako at ako na lang mag-isa sa apartment ay napagisip-isip ko na, desisyunado na talaga ako.

Napagdesisyonan ko na simula ngayon ay iiwasan ko na si Claudio. Ayoko namang paasahin sa wala si Emilio at nag-usap na kami kanina. He asked me why did I kissed him. Halatang gulat na gulat pa nga ito kung bakit ko ginawa iyon. Awkward silence filled us after I kissed him pero nang makabawi ay ito mismo ang bumasag sa katahimikanh iyon. So I told him that I am giving him a chance to prove his self to me. It's not bad to entertain him, right? It's not bad giving him a chance to prove how much he likes me. Pasasaan ba at baka mangyaring magustuhan ko rin siya pabalik. Kasi katulad din ng sinabi nila Jammailah at Pres Joachim, Emilio's already a good catch. Walang tapon sa pagkatao niya. Sadyang kay Claudio lang ako nagkagusto at nakatuon ang atensyon ko kaya hindi ko makita ang katangian niyang iyon. But now, maybe it's the time for me to appreciate him.

And I know he's happy that I'm giving him a chance.  Syempre natuwa talaga s'ya at sinabi rin niyang hindi niya sasayangin ang binigay kong pagkakataon sa kanya. Nakita ko pa ang galak sa mata n'ya, katulad ng sa akin sa tuwing nakakasama ko si Claudio.

Pero iba na ngayon, may masasaktan na at hindi lang ako kapag pinili ko pa ang huli.

"So, you've change your mind and give him another chance?"

Kahit hindi nakikita at tumango ako kay Jam sa kabilang linya. Kanina ko pa s'ya kausap tungkol sa statesman at ngayon n'ya lang sinali si Emilio sa usapan. At ayun nga, nabanggit ko rin na binigyan ko na ng pagkakataon si Emilio na patunayan ang sarili nito sa akin.

"Oo. Nakikita ko naman kasi ang effort n'ya," tugon ko naman. But deeply in my heart, I know it's not true. Ang sama sama ko at sa totoo lang ay ginagamit ko lang naman s'ya.

Pero pasasaan ba't matututunan ko din mahalin si Emilio. Madali naman akong magkagusto sa isang tao, lalo na't nakikita ko ang effort na ginagawa nito para sa akin.

Sadyang tanga lang ako pag dating kay Claudio dahil kahit anong gawin n'ya ay sa kan'ya pa rin natibok ang puso ko.

"That's good, then! Akala ko talaga may jowa ka kaya hindi ka nag-entertain ng suitor. Good catch pa naman 'yun si Mister Espinoza! Tanga mo na lang kung palalagpasin mo pa! " ani Jammailah sa kabilang linya. Natatawa pa ito. I know that. Madami nga ang nagkakagusto sa huli hindi ba? At malas lang siya at ako ang nagustuhan niya.

Alam ko namang nang-aasar si Jam. Pero dahil sa mga sinabi n'ya ay mas lalo lang akong natatauhan na, why would I choose to stay for someone na hindi naman nakikita ang halaga ko? Bagkus ay ako lamang ang nagpapahalaga sa kanya? It's so hard that it's only a one sided love. Ang hirap ng hindi natutugunan. Masakit sa puso at damdamin.

Masakit isiping na kaylanman ay hindi ako magagawing mahalin pabalik ni Claudio. Kaya siguro ay tama naman na sa iba ko na lang ibaling ang nararamdaman ko. Baka sa pagkakataong ito, maranasan ko namang mahalin pabalik.

I don't want Emilio to be a rebound. But if it's the only way to forget Claudio, I'm ready to gamble for it.

Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na kami ni Jam sa isa't isa lalo na at may mga gagawin pa kami.

Nakatanggap pa nga ako ng goodnight message galong kay Emilio at tinugunan ko naman iyon.

Kinabukasan ay hindi na ako nagulat nang maaga pa lamang ay nasa labas na ng apartment ko ang sasakyan ni Emilio. An'ya'y susunduin n'ya ako at sabay kaming papasok na dalawa sa HIS U. Katulad din ng sinabi niya sa text niya kagabi.

One-Woman Man 2: Foolish Heart (CLAUDIO)Where stories live. Discover now