Kabanata 4

6.2K 259 11
                                    

Kabanata 4

Foolish heart

"PLEASE Emilio, I don't want to hurt you, kaya habang maaga pa, itigil mo na 'to. Ayokong magpaligaw muna sa ngayon,"

Hindi ako maka-tingin sa kan'ya ng diretso. Ilang araw na n'ya akong nililigawan at kahit anong patigil ko, makulit talaga s'ya.

"Why? Do you have boyfriend? Bakit wala akong nakikita? Wala namang masama kung ligawan kita, Asena..."

Bumuntong hininga ako saka ibinalik ang bulaklak sa kan'ya. Nakokonsensya ako dahil noong isang gabi, naisipan kong gamitin si Emilio na baka sakali may gawing paraan si Claudio. Halimbawa, ipagbabawal n'ya akong makipagkita sa huli, na sasabihin n'yang sa kan'ya lang ako. Pero mukhang wala talagang pake si Claudio dahil kahit harap-harapan na n'yang nakikita na nililigawan ako ni Emilio, wala naman s'yang reaksyon.

"Please Emilio, wala ka talagang mapapala sa 'kin..."

Bakit kasi sa dinamirami ng mga babae dito sa Unibersidad, ako pa ang nagustuhan n'ya. Ang dami ding naghahabol sa kan'ya kung tutuusin dahil matalino sa klase at magaling pa s'ya sa soccer. Bise presidente din ng council.

"Fine, pero kahit hindi na kita liligawan, wag ka sanang mailang kung lalapit pa rin ako sa 'yo. Kahit hanggang kaibigan lang Asena, 'wag mo naman ipagdamot sa 'kin,"

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Salamat naman dahil ayokong makasakit ng tao. Alam ko ang pakiramdam na hindi natutugunan ang nararamdaman.

"Ano, binusted mo?" tumango ako. Natampal naman ni Jam ang noo. "Bakit! Good catch na si Emilio! Bakit mo pa pinalagpas! Alam mo konti na lang maniniwala na akong may jowa ka. Kasi ang mga ganung uri ng lalake 'di dapat pinapalagpas!"

Napa-irap na lang ako at pabagsak na na-upo sa sofa. Pinikit ko ang mga mata dahil ilang araw na akong namomroblema. Hindi na kasi ako pinapansin ni Claudio kahit unahan ko pa s'yang kausapin.

Bumukas ang pinto ng opisina, dinig ko ang matunog na halakhak ni Pres. Joachim, kausap si Fabian.

May umupo sa tabi ko at inakbayan ako pero hinayaan ko lang. Base kasi sa pabangong nasamyo ko, ang malanding presidente ito.

"What's with the attitude, cap? I've notice this past few days, madali kang mapikon. Mas lalo ka ding naging tahimik. Tigang ka ba? Tangna, nanjan naman si Georgina'ng patay na patay sa 'yo, patulan mo na!"

Napadilat ako dahil sa sinabi ng katabi ko. Naalarma ako nang marinig ang pangalan ng malanding si Georgina.

"Hey Nona!" ngisi ni Pres. Joachim saka tinanggal ang pagka-akbay sa 'kin.

"I want the same dish. Ayoko nang iba-ibang putahe,"

Gulat akong napalingon kay Claudio, hindi inaasahang nandito din s'ya.. Naka-upo ito sa katapat kong sofa at sa 'kin nakatingin. Akala ko si Fabian lang ang kasama ni Pres. Joachim.

"Yun naman pala eh! Ibig sabihin may nagpapa-init sa 'yo gabi-gabi. So what's with the attitude, bro?"

"Someone's just trying to trespass on my property. Just testing her kung bibigay ba sa iba,"

Lumakas ang tibok ng puso ko. Alam kong ako ang tinutukoy n'ya.

"Tangna! Magseseryoso ka na ba, cap!"

Pinukpok ni Joachim ang mesa at napatayo. Samantalang ako naman ay hindi na mapakali dahil sa tanong n'ya.

Muli akong nilingon ni Claudio at ngumisi lang kay Joachim.

Mabuti na 'yung hindi s'ya sumagot kesa naman marinig ko mula sa mga labi n'ya na wala talaga s'yang plano mag-seryoso. Mas masakit 'yun.

"Anong nangyayari sa mga tao ngayon! Baliktad na ata. Itong si Cap, may plano nang mag-seryoso! Samantalang ito naman si Nona, binusted 'yung kaisa-isang manliligaw n'ya!" singit ni Jam at na-upo sa tabi ni Fabian.

One-Woman Man 2: Foolish Heart (CLAUDIO)Where stories live. Discover now