2

106K 4.1K 1K
                                    

Austine Villaluz POV

"Austine, anong nangyayari? Bakit ka may dalang bata? Tumigil ka nga muna sa kakaiyak." Ang sunod-sunod na tanong ni mama sa akin pagdating. Medyo paranoid na siyang tingnan. Nakalaklak na naman siguro 'to ng kape.

Ibinaba ko ang bata sa sofa at lumapit kay mama. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at doon sa mga bisig niya ako umiyak ng todo. Labas lahat ng luha ko't sipon sa yakap ni mama. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko siya. Feeling ko safe na ako ulit. Nandito na ako. Buhay ako't kasama sila. Nandito rin ang bata na maayos ang lagay.

"Mama, uwaaahhh!!! Mama ko, natakot po ako, ma." Napangawa nalang ako.

Kapag nandito si mama hindi ko talaga mapigilang maging emosyonal kapag may problema. Siya ang susi sa aking marupok na puso.

"Huminahon ka nga munang bata ka. Anong problema? Umupo ka." Ang pagpapa-tahan sa akin ni mama. Sinunod ko ang iniutos niya't naupo nga sa sofa namin. Inabutan rin ako ni Chammy ng tubig. Mabuti naman at may silbi siya ngayon.

"Iniwan lang kita saglit, napasabak ka na naman sa gulo. Anak ka ba ng kamalasan?" Tanong ni Chammy sa akin na sinamaan ko lang ng tingin.

"Mama, oh! Malas ka raw po." Ang sumbong ko kay mama. Kita ko ang paglaki ng mata ni Chammy. Hinampas niya ang braso ko saka ako inirapan. "Tingnan mo, ma!"

"Tumigil nga kayong dalawa! Ikaw Chammy, ikaw ang mas matanda pero kung umasta ka para kang bata." Saway ni mama sa kanya bago niya ibinaling sa akin ang kanyang paningin, "at ikaw dahil may gana ka ng makipag-away, sabihin mo na sa amin kung ano ba ang nangyayari at bakit may bata kang dala-dala."

Humanga muna ako ng malalim saka inilibot ang aking paningin sa kanilang lahat. Nakatitig silang lahat sa akin, nag-aabang na marinig ang maganda kong boses.

"Nakita ko siya sa parke kanina. May humahabol na mga lalaki sa bata, mama. Alam kong hindi sila mabuti dahil ang bata mismo ang lumapit at nagmakaawa sa akin na tulungan siya. Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya." Paliwanag ko sa kanila.

Tahimik lang silang lahat habang nakikinig sa akin. Tumingin ako sa bata at napangiti. Ang kyut kasi niya.  Bagay sa kanya 'yong wig.

"Baby, nagugutom ka na ba? May masakit ba sayo?" Ang malambing kong tanong sa kanya. Lumapit ako dito at lumuhod para magpantay ang mga mga mukha namin. Nagulat ako nang biglang niya yakapin ang leeg ko.

"I'm hungry na po. Hindi po ako pina-eat ng bad guys. Sabi nila papatayin daw nila ako kaya I don't need to eat." Sabi niya at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa takot. Mas lalo ring humigpit ang kanyang yakap sa akin.

Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko at nakita ko doon sa magaganda niyang mga mata ang takot at lungkot.

"A-Am I safe here po ba? Are you not going to hurt me rin po ba?" Muli itong yumakap sa leeg ko at isinubsub doon ang kanyang mukha. Sa kabila ng takot sa kanyang mga mata, may bahid pa rin ito ng pag-asa.

"Sshhh.. don't worry safe ka dito ha? Kita mo 'yan? Yan si Kuya Arvy. He's a policeman, baby. Do you know what policemen do ba, baby?" Marahan kong tanong sa dito habang hinahaplos ang kanyang buhok.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Where stories live. Discover now