4

90.8K 3.6K 756
                                    

Third Person POV

Tahimik lang na nakayuko ang lahat ng mga kasambahay habang hinihintay ang pagdating ng amo nila. Walang gustong gumalaw. Ang mga kalamnan ay nanginginig. Tagaktak ang kanilang nanlalamig na pawis.  Matapos mawala ang anak nito dalawang araw na ang nakakalipas, ipinaalam sa kanila ng kanilang mayordoma ang muling pag-uwi nito.

"Hmph! Saka lang uuwi kapag nawala na ang anak. Anong klaseng ama ka, sir?" Aniya sa isip ng isang kasambahay.

Iyon ay ang katotohanan na hindi nila magawang isiwalat. Simula noong bata pa lang ang kanilang munting amo, madalang lang itong inuuwian ng ama. Ipinapaubaya lamang nito ang pagche-check sa kalagayan sa kaniyang sekretarya.

"WHERE'S MY SON!?"

Napatalon silang lahat sa gulat. Kamuntikan nang humiwalay sa kanilang katawan ang kanilang mga kaluluwa pagkarinig sa malaki at mababang boses ng amo. Minsan lamang ito sumisigaw. Sumisigaw lamang ito kapag galit na galit.

Walang sumagot sa kanila dahil sa takot. Lahat ay piniling itikom ang kanilang mga bibig dahil wala naman silang maibibigay na sagot dito. Ang alam lang nila ay kinuha ang bata ng di kilalang mga tao at maliban doon wala na.

"WALA BA KAYONG MGA BIBIG O AKO ANG PUPUTOL SA MGA DILA NINYO?!" Dumagundong sa buong paligid ang malaki at nakakatindig balahibo nitong boses.

Kahit na naka aircon ang buong mansion hindi nito napigilan ang tuloy-tuloy na pagtagaktak ng mga pawis mula sa kanilang noo.

"S-sir.. bago po kasi kami makarating sa iskul ni ser Noah m-may humarang ho sa aming mga armadong lalaki, ser." Bakas ang takot sa boses ni Mang Inteng na driver ng bata.

"Hindi ba't may guard ang anak ko? Nasaan sila?!" Ma-awtoridad na tanong nito na tila nagmamando sa mga sundalo nito sa kampo.

"Sir, ako po ang isa guard ni Sir Noah. Habang naghihintay kami kay mang Inteng may dumating na limang lalaking naka-uniform na pang sundalo, sir. May dala-dala silang ID at patunay na kabilang sa army. Sinabi nila kay sir Noah na makikipag kita raw ho kayo sa kanya kasama si General Juariz. Mabilis na sumunod si Sir Noah dito at ako namay sinundan sila kasama ang iba pang guard ni Sir Noah pero noong makarating kami sa pinaradahan ng sasakyan pinalibutan kami ng mga armadong mga lalaki. Ang huli kong matandaan sir ay noong tinurukan ako ng kong ano at hinampas ng baseball bat." Kwento ni Ruel na guard ng bata. Bugbog ang mukha nito at may mangilan-ngilan pang mga bugbog sa katawan.

Pagkatapos marinig ni Nathan ang ang paliwanag nito sunod naman niyang tinanaw ang yaya at mayordoma ng bahay. Nakayuko ang dalawa at tensyonadong nakatayo sa gilid.

"Mrs. Salvacion, bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Ano pang silbi ng mga putanginang telepono dito sa bahay at mga cellphone niyo kung hindi niyo magawang sabihin kaagad ang nangyayari sa anak ko?!" Lagpas sa langit ang kanyang galit na nararamdaman sa mga oras na 'to. Ngunit mas nangingibabaw pa rin sa puso niya ang pagsisisi at pag-aalala para sa kalagayan ng kanyang nawawalang anak.

"S-Sir, dalawang araw po kaming walang tigil kaka-contact sa inyo. Ngunit hindi po talaga kayo sumasagot. Pati iyong sekretarya ninyo, sir, ay hindi namin magawang makausap. Kaya sina sir Axel, sir Ian at sir Francis na lang po ang kinausap namin noong hindi talaga kayo makontak, sir." Ang mahabang paliwanag ng mayordoma habang umiiyak.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Where stories live. Discover now