35

76.5K 2.8K 1.1K
                                    

Third Person POV

"Hello, who is this?" Nagtatakang tanong ni Chammy sa kabilang linya. Limang beses na itong paulit-ulit na tumawag sa kanyang telepono kaya napilitan siyang sagutin ito.

"Ms. Villaluz, this is Nathan." Namilog ang kanyang mata pagkarinig sa pangalan ng kanyang bayaw–este ex ng kanyang kapatid.

"Bossing, ikaw pala!" Ang nakangising pag-alala ni Chammy dito.

"How's Austine doing there?" Mukhang nasa kalagitnaan ito sa pagda-drive dahil rinig na rinig niya ang pag busina ng mga sasakyan.

Naalala naman niya ang kapatid na naglakwatsa sa mall. She knows her brother isn't feeling well right now. She saw how devastated Austine was noong nakipaghiwalay ito kay Nathan. Kung hindi lang sinabi at pinaliwanag ni Nathan sa kanila ng kuya niya ang totoong nangyayari ay baka matagal na niyang sinunog ang mansyon nito. Siya lang dapat ang may karapatang mag paiyak sa baby bunso nila.

"Austine..well.." She's contemplating. Sasabihin ba niya dito na kumakarengkeng ang kapatid niya sa kanilang gwapong kapitbahay?

"One of my men told me he saw Austine with another guy, is it true?" Nahihimigan niyang hindi nito gusto ang narinig mula sa alagad nito.

"Ah, oo. He's on a date with Gillian." Oh, Chammy wala talagang pinapalagpas ang pagiging mapang-asar mo. Oh well, pinaiyak niya si Austine.

"WHAT?!" She heard an obvious screeching coming from his background. Sigurado siyang bigla itong nagbreak ng sasakyan.

"Kidding!" Aniya at malakas na tumawa. "Austine is with Lovely as well. They're buying something. Pangpa distract na rin 'yon ni Austine sa pagiging depress niya 'cause of your breakup." dagdag niya dito habang mahinang tumatawa.

"Jesus! Stop scaring the shit out of me. Hindi ko pa naaayos ang plano namin." frustrated nitong sabi sa kanilang linya. She kinda feel guilty. Kaunti lang naman. Ito pa naman ang nagbayad ng plane ticket nilang lahat pabalik ng Cebu.

"Sorry. Sorry. Pero to be honest sayo, Juariz, don't take too long. With Austine's personality he won't be holding on the possibility that the two of you will eventually get back together. He will find ways to move on from you. He knows his life won't end with you. Kapag masyado kang nagtagal....baka maagaw ang baklang 'yon sayo. Pero baka mali ako. We don't know." Ang pananakot niya dito habang nilalaro ang kanyang koko.

She just want that Juariz to finish his plans early and take Austine under his care. Nag-aalala siya para sa kanyang kapatid at ang banta sa buhay nito.

"I am. I'm doing my best to speed things up. I did not forsee this shit to happen kaya hindi ako nakapag handa." Bumuntong hininga ito bago ulit nagsalita, "By the way, I've already sent the twenty million cash to my trusted aid. Dadalhin niya 'yon mamaya sa kuya mo."

Saglit siyang napatahimik. Dahil sa pangamba nila ng kuya niya sa kalagayan ng nakababatang kapatid minabuti nilang ipaalam ito kay Nathan. Nathan is the only one who can protect their brother. Ito lang ang makaliligtas sa kapatid nila kahit na magmukha silang manlilimos, gold digger, huthutero at kung anu-ano pang adjectives na makakadescribe sa kanila. Mas mauuna ang kaligtasan ni Austine kesa sa pride nila.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon