43

80.2K 2.8K 1K
                                    

Third Person POV

Nagmamadaling pumasok si Dyna sa loob ng mansyon ng mga Juariz. Tatlong araw na simula nang pinasok niya ang kwarto ni Nathan. She was sure Nathan would pass out pero masyado itong malakas both mentally and physically.

Nagpalipas muna siya ng sama ng loob ng mansyon ni Chong Yan. They were planning how to bring the Juariz family down. The Juariz Family is the biggest threat in their business. Pati ang kanyang ama ay nandoon din. The plan was getting laid out smoothly kung hindi lang sana tumawag ang alagad ni Chong Yan.

AFP Chief of Staff Gen. Axel Juariz caught Lieutenant General Juan Santiago and Vice Admiral Killua Gatumbase. Hindi nila nakita ang news kanina dahil busy sila sa paggawa ng plano. Everything is a mess now.

Kaya ngayon ay tahimik siyang pumasok sa mansyon. Hindi pa naman yata alam ng tangang pamilya na 'to na may koneksyon sila ni Chong Yan. They wouldn't welcome her if she's unreliable. Kailangan kasi niyang kunin ang kanyang dalawang maleta. Ang isang maleta ay puno ng droga na dadalhin nila sa Dubai at ang isa naman ay naglalaman ng kanyang mga gamit.

Nakasilid din doon ang isang notebook kung saan niya sinusulat ang mga pangalan ng tumulong sa kanya para patayin si Diana.

"Where's tita?" Ang taas kilay niyang tanong sa maid na nakasalubong sa hagdanan. Agad itong umiwas ng tingin at yumuko.

Good. Be scared dahil ako ang magiging asawa ng boss niyo.

"Ay m-magandang a-araw ho madam. Mabuti po at dumating na kayo. K-kahapon pa kayo hinahanap nila. Sabi ni mam at ser eh gusto raw nila kayong makausap tungkol sa nangyari sa inyo kay ser Nathaniel." She wanted to go immediately pero ayaw naman niyang magsuspetsya ang mag-asawa. She needs to act normal. Napakalayo ng entrance ng bahay nila at isang tawag lang nito pwede na siyang harangan sa may gate.

Inismidan lang niya ang maid at muling umakyat sa may hagdanan patungo sa study room ni Don Allistain. Pagdating niya roon ay nadatnan niya ang mag-asawa na umiinom ng tsaa sa may balkonahe.

"Tita, tito! Good morning po." Mahinhin ang mga lakad niyang tinungo ang lugar ng dalawa.

"Ija, you're here! I was really worried about you. Ilang araw kitang hindi nakita. Sit down, let's have some tea." Nakipag beso-beso muna siya sa mag-asawa bago siya umupo sa upuan na nasa pagitang ng dalawa.

Senyora Nathalie poured some tea on her cup.

"Thank you po." She smiled at them and sipped. Her heart was pounding loudly.

Tatlong oras lang ang ibinigay ni Chong Yan sa kanya. Sisimulan na kasi nitong i-pullout sa mga bahay nila ang natitirang dalawang carriers para sa first batch. Protektado kasi ng mga importanteng tao ang dalawa. Isa na doon si Austine. Nirequest pa talaga niyang unahin si Austine. She wanted to torture that little fucker bago ibigay sa isang Russian billionaire na nakabili sa kanya.

"Ija, pasensya ka na sa ginawa ng anak ko. Kinaladkad ka daw niya palabas ng kwarto." She smiled awkwardly. That was the most humiliating moment in her life.

"It's okay po, tita. I was just offering a massage because he looked really tired. Baka pagod lang po talaga siya nun. B-by the way, tita, tito, I'm going back to China today. Nagka emergency kasi sa kompanya namin doon. Dad wants my help. You know naman po, ako nalang ang tumutulong kay dad since Diana's death." Hindi niya maiwasang mapatingin sa suot na mamahaling relo. Isang oras na ang lumipas ng umalis siya sa bahay ni Chong Yan and she's running out of time. Aalis na ang mga ito para sunduin ang dalawang huling carrier na ibebenta nila.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Where stories live. Discover now