Chapter 20: Don't Worry

7.9K 135 4
                                    

Jema's POV

"SURPRISE!!!" napatalon ako ng may marinig akong nagsalita sa loob ng apartment ko. Ano ba yan bat parang ang hilig ng mga tao isurprise ako ngayon kanina pa nila ako ginugulat ha.

"Mafe?!!" tawag ko dito ng makita ko kung sino yung nagsalita.

"Hala! Si Deanna Wong ba yan?" sabi ni mafe then ngumiti naman si deanna.

"Siya ngaaaaa" dagdag nito sabay takbo papunta kay deanna at niyakap siya.

"Hi Mafe" sabi naman ni deanna habang niyayakap din niya si mafe. Awwwwwwww ang cute ng mga mahal ko. Hoi jemalyn ang rupok mo talaga.

"Wow Mafe ha nauna mo pa siyang yakapin ah" sabi ko kaya lumapit din siya sakin at niyakap ako.

"Sorry Ate ha, idol ko kasi yan eh" sabi ni mafe after naming magyakapan.

"Sino naghatid sayo dito?" tanong ko dito.

"Si Kuya Cy kaso umalis na agad siya kasi may lakad pa daw siya" sagot naman ni mafe.

"Paano ka nakapasok?" tanong ko ulit.

"Humiram si Kuya Cy ng susi sa baba since kilala naman siya dun" sabi ni mafe then tumingin ulit siya kay deanna.

"Alam kong hindi ko na siya kailangan pang ipakilala pero Mafe si Deanna nga pala and Deanna si Mafe bunso kong kapatid" sabi ko.

"So ikaw pala yung kinwento ni Ate Jovi sakin, yung nagpapasaya daw kay Ate Jema" nagulat akong sabi ni mafe kaya napatingin ako kay deanna na naka ngiti ngayon.

"Pero oi kahit idol kita pag sinaktan mo yung Ate ko lagot ka pa din sakin" sabi ni mafe kaya binalik ko agad yung mata ko sa kanya.

"Don't worry Mafe I promise that you can trust me with your Ate" sagot ni Deanna tapos ngumiti siya sakin then kay mafe.

"Edi good lodi, tsaka pwede bang paturo naman ng mga moves mo minsan hindi ko kasi kaya yun eh" sabi ni mafe then napatawa naman si deanna.

"Hoi wala tayo sa court tsaka manonood kaming movie no" sabi ko then hinila ko si deanna.

"Ang clingy naman" sabi ni mafe kaya tinarayan ko nalang siya.

"Tara Mafe watch ka nalang din" yaya ni deanna kay mafe.

"Buti pa si lodi niyaya ako" sagot ni mafe then umupo siya sa tabi ni deanna.

"Oh sige gagawa muna akong food natin" sabi ko then pumunta akong kitchen para magluto ng fries.

.....

After kong magluto tumabi ako kay deanna then nagstart na kaming manood ng The Greatest Showman.

"So what can you say?" tanong agad sakin ni deanna after naming matapos yung movie.

"Maganda nga" sabi ko then nagsmile ako sa kanya.

"What's your favorite song sa movie?" tanong niya ulit.

"Never Enough" sabi ko then tumawa siya pati si mafe natawa din.

"Oh ba't kayo tumatawa?" tanong ko naman sa kanila.

"Ang drama kasi ng kantang gusto mo" sabi ni mafe.

"Maganda kasi yung tono" sabi ko naman.

"Oo nga pala bat ka ba nandito?" tanong ko kay mafe. Oo nga naman kanina pa siya nandito pero ngayon ko palang tinanong.

"Eh kasi Ate naka pili na akong School ko" sabi niya sakin then nagulat naman ako.

"Huh? Akala ko ba wala pa? Sabi mo undecided ka pa" sabi ko dito.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now