Chapter 47: Twenteen

6.5K 119 0
                                    

Jema's POV

"Ate Jia tara na alis na tayo, umuwi na si Deanna" sabi ko sa cellphone ko. Kausap ko kasi si Ate Jia, dapat kasi kanina pa kami aalis pero hindi naman ako makaalis kasi hindi pa umuuwi si deanna. Tuesday ngayon and ngayon namin napagusapan nila Ate Jia bumili ng mga kakailanganin namin para sa surprise birthday party ni deanna bukas.

"Hay sa wakas Je, kanina pa kaya kami nakatambay dito sa Coffee Shop malapit sa apartment mo" sabi ni kyla.

"Sorry na, kakauwi lang kasi ni Deanna eh" reply ko.

"Sure ka bang wala na siya diyan? Mamaya makita kami ni Deans ha" sabi ni ate jia.

"Wala na nga, magbibihis lang ako tapos bababa na rin ako" sabi ko tapos binaba ko na yung tawag. After kong magpalit ng damit, pumunta na ko sa Coffee Shop tapos umalis na kami nila Ate Jia papunta ng UPTC para bumili ng mga gamit.

.....

"Oh ganto nalang bukas ha, susunduin ka nalang namin Jema tapos didiretso tayo sa Upper Deck para magayos" sabi ni ate jia. Nabili na namin lahat ng kailangan namin, kumakain na kami ngayon ng dinner sa Wendy's kasi gusto daw ni Ate Jia ng salad.

"Nasabi mo na ba kay Deanna na sunduin ka bukas?" tanong ni kyla. Naisip kasi namin na gawing palusot yung training namin para hindi makahalata si deanna sa gagawin namin. Magpapasundo daw ako kunyari sa Upper Deck tapos dun namin siya issurprise.

"Oo naman" sagot ko then sumubo ako ng pagkain ko.

"Ready na ba yung boses mo bukas?" tanong naman ni ate jia.

"Ready na syempre" sabi ko.

"Grabe no saktong sakto si Tita Judin, Parang she read our minds eh" sabi ni ate jia.

"Oo nga eh, nagulat din ako ng makausap ko sila sa tawag kahapon" reply ko.

"Kailan ba kayo nagstart magusap ng Ate ni Deanna? Close na kayo?" tanong ni kyla.

"Paguwi ni Deanna sa Cebu, nagulat ako nagsend yung Ate niya ng friend request tapos syempre inaccept ko then dun kami nagstart magusap" kwento ko.

"Tarayyyyyy legal na talaga sila" asar ni kyla tapos napangiti naman ako. Tumawag kasi sakin si Ate Nicole kahapon, tapos siya yung nagbigay ng idea na ako nalang daw yung gumawa ng birthday party ni Deanna since ayaw niya naman daw magcelebrate ng sarili niyang birthday. Pumayag naman ako kasi gusto ko rin talaga isurprise si Deanna tapos nagulat ako ng makausap ko rin yung parents nila, sabi nila Tita Judin sila na daw yung bahala magorder sa foods basta sabihin ko kung saan yung place.

"Hai nako hindi mo alam kung gaano ako kinabahan ng makausap ko yung parents ni Deanna no" sabi ko. Nagpanic talaga ako habang kausap ko sila Tita kahapon, lalo na nung daddy na ni deanna yung nagsasalita.

"Oh natawagan mo na ba sila Bea?" tanong naman ni ate jia.

"Hindi pa nga Ate eh, ikaw nalang kaya tumawag medyo nahihiya ako eh" sagot ko.

"Give me your phone" sabi ni ate jia tapos binigay ko naman agad yung phone ko sa kanya. Dinial niya naman agad yung number tapos niloudspeaker niya yung phone ko para marinig ko rin.

*Ring* *Ring* *Ring*

"Hello? Who's this?" narinig ko yung boses ni bea.

"Hi Bei, it's your Ate Jia" sabi naman ni ate jia.

"Oh Ate Jia ikaw pala, did you changed your number?" tanong ni bea.

"Uhm no this is not my number same pa rin yung number ko, this is Jema's number" sagot ni ate jia.

"Ahhh okay, what is it Ate? Do you need anything?" reply ni bea.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now