CHAPTER 4

426 38 10
                                    

4

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

I was awaken by that scream at nung magmulat ako ng mga mata, a woman was lying next to me. Kaagad kong tinignan ang katawan ko, ang katawan niya and back to mine again then I realized that we're both wearing nothing.

Oh my! Ang aking body!

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!" I screamed too. "Who are you? What did you do to me? Nirape mo ba ako ha? Isosopla kita sa mga pulis!" Sigaw ko sa kanya at nag-agawan pa kami sa kumot para matakpan ang kailangang matakpan.

"Hoy! Para sa kaalaman mo ako yung babae rito. Baka nga ako yung ginapang mo kagabi e. Manyak kang bakla ka!" Sigaw niya rin sa akin at pinagbabato ako ng unan. Sobrang talim ng mga tingin nito sa akin na para bang anytime ay kakainin niya ako.

"Ako yung babae rito. Ginahasa mo ako!" I shouted again at pinagbabato ko rin siya ng unan hanggang sa magbatuhan na kaming dalawa.

Gosh, what did we do? Bakit ba magkasama kami ng girlalung 'to sa iisang kwarto?

"Argh! Fine! Let's forget this day. Walang nangyari sa ating dalawa. Period!" Mabilis nitong saad sa akin. Dinampot na nito ang mga damit niya at tumakbo papasok ng CR.

"Talagang walang nangyari sa atin. Over my delicious sexy body!" What I did next was to wear my clothes too while she's inside the comfort room and then I left her without saying anything.

Hutanes! Kahit shokla ako, hindi pwedeng madungisan ang pagkatao ko. Not by anyone and not by this woman!

Naupo si Treyton sa gilid ng kama ni Atarah at tinignan niya ito habang himbing na himbing itong natutulog. Matapos nitong maalala ang araw na iyon, almost one month to be exact; the day of their homecoming, ni hindi pa rin nito maisip na ang gabing iyon na hindi naman nila alam kung ano talagang nangyari ay magbubunga.

Still now, he can't believe that this woman is carrying his child. Hindi lang siya makapaniwala na ang isang katulad niya ay magkakaroon ng anak sa babaeng ito. My God, ako magkakaroon ng anak? He asks himself.

Nang gumalaw si Atarah ay medyo lumayo ito ng kaunti sa kanya. Gulong-gulo ang buhok ng dalaga na nakatakip sa mukha niya but she's pretty huh? Anyway, mas okay na rin yun at least maganda ang nanay ng magiging anak ko. Kausap pa nito sa kanyang sarili.

"S-sorry, natagalan ako sa paggising. May kailangan ka?" Tanong ng dalaga nang magmulat ito ng mata at mapansing nakaupo si Treyton sa gilid ng kama.

"Nothing. Gogora na akiz sa opisina. Magstay ka na lang muna rito. May mga pagkain sa ref, ikaw na bahala kung anong gusto mong kainin." Saad nito at iniwan na ang dalaga sa loob ng kwartong iyon.

When Heart DecidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon