CHAPTER 13

305 31 8
                                    

13

"T-treyton?" Napaayos ng upo si Atarah. Hindi pa ako natutulog, nananaginip na ba agad ako? Tanong nito sa sarili pero syempre, alam nitong si Treyton nga talaga itong nasa harapan niya.

"Hi." Bati ng lalaki at lumapit ito sa kanya. Naupo pa ito sa tabi niya habang si Atarah naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Atarah?"

"Ah, h-hi." Tanging naisagot lang nito nang mabalik siya sa huwisyo. Hindi lang kasi talaga siya makapaniwala na naririto ngayon si Treyton sa harap niya. Tinignan nito ang lalaki habang nakatingin naman ito sa kanya.

"Hi." Saad ulit ni Treyton.

"Hi." Sagot niya rin pabalik. "Anong ginagawa mo rito?" Naiilang na tanong nito sa lalaki kaysa naman ang puro 'hi' na lang ang sasabihin nila sa isa't isa.

"I want to see you." Nanlaki ang mga mata ni Atarah sa narinig.

"Ah." That's all she could say.

Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla kung yung taong miss na miss mo ay heto na, nasa harapan mo na at nakakausap mo pa diba? Pero agad din naman nitong inayos ang kanyang sarili. Hindi pa rin kasi ito makapaniwala na narito na sa tabi niya si Treyton.

"That's it?" Tanong ng lalaki at nangunot naman ang noo nito. What does he mean by that?

"Why?" Tanong niya rin dito. Dinig pa nito ang pagbuntong hininga ni Treyton. Ano bang gusto nitong iparating?

"I am now here and that's just it?" Muling tanong nito. Pagak namang tumawa ang babae.

"Ano bang gusto mong maging reaksyon ko? Ang matuwa ako kasi nandito ka na? Ang magsaya ako kasi finally nagpakita ka na? Is that what you want? You want me to be happy because finally, you visited me after almost one month?" Hindi na napigilan ni Atarah ang mga luha niya.

Alam naman niya sa sarili niya na wala siyang karapatang makihati sa oras nito pero ganun ba kahirap para sa kanya ang bisitahin man lang siya? O kahit tawagan man lang o itext? Mahirap bang gawin iyon?

Napahagulgol itong lalo.

Treyton doesn't know what to do. He didn't expect Atarah to cry like this. What he expected is for Atarah to be happy. Ang magsaya ito, ang amuyin siya nito, ang yakapin siya nito katulad ng madalas niyang ginagawa sa tuwing nakikita niya ito. But things happened the other way around.

Seeing Atarah crying, hindi nito malaman ang gagawin. This is actually the first time he's seeing Atarah cry. Niyakap na lang nito ang babae and he keeps hushing her down. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyari.

Ilang minuto lang ay tumahan din si Atarah.

"Teka nga, bakit ba ako umiiyak?" Nalolokang tanong nito matapos niyang pahiran ang kanyang luha. Tinignan niya si Treyton habang si Treyton naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.

"Pasensya na. Kasi namang bakla ka e." She laughs tsaka nito hinampas ang katabi. "Namiss kita, alam mo ba yun? Tapos ngayon ka lang magpapakita sa akin? Ang kapal mong magpamiss sa akin ng ganito." Tsaka nito sinubsob ang sarili sa dibdib ng lalaki.

But deep in side her, she's really hurting. What she did was her only way to lighten the mood. Ngayon na lang din siya dalawin ni Treyton and she doesn't want to spoil the moment. Ayaw niyang mag-inarte. Wala siyang karapatang umarte.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now