CHAPTER 19

306 30 5
                                    

19

Napangalumbaba si Atarah habang tinitignan nito ang abalang si Treyton. Nakaupo ito ngayon sa isang round table. In front of him were some folders and his laptop of course. She's actually wondering why this gay didn't go to A.Corp Bldg. samantalang pamaya-maya ay tumutunog ang kanyang phone.

"Bakit pa kasi hindi pumasok, e halata namang marami siyang ginagawa." Bulong ni Atarah sa kawalan.

Sa kadahilanang walang magawa, umakyat ito sa kwarto at kinuha rin ang kanyang laptop. Pagkababa nito ay pumuwesto siya hindi kalayuan kay Treyton. Just enough distance for her not to disturb him. Inopen nito ang laptop and decided to just watch the last episode she missed dahil nga pinagtalunan nila ni Treyton yun noon.

Halos mag-iisang linggo na nga pala nung pumayag siyang magstay rito kasama ang lalaki. Compared to staying in her house, mas gusto nga niyang magstay rito. Bonus na lang ang makita at makasama si Treyton araw-araw. Malandi ka self. She mentally scolded herself.

Atarah inserted the earphones on her ears so Treyton wouldn't hear anything. Ayaw naman niyang makaistorbo dahil hatalang masyadong busy ito.

Hindi nagtagal ay napatitig si Atarah sa kasama. Treyton wore a reading glasses. Nakajogging pants lang itong black and on his upper was a plain white sando. Sa halip na mamangha, naningkit ang mga mata nito nang malaya niyang nakikita ang toned muscles nito. He's wondering if Treyton goes to gym.

"Duh? May bakla bang naggi-gym?" She wondered. Dahil sa pagbulong niyang iyon, napatingin si Treyton sa gawi niya.

"Shunga ka?" Bigla ay tanong nito sa kanya. Napataas ito ng kilay.

"Excuse me?"

"Huwag kang bulong ng bulong d'yan ghorl. Hindi ka sasagutin ng kaluluwa mo." Napataas ang sulok ng labi nito, gustong kontrahin ang lalaki pero sa huli ay pinili nitong huwag na lang.

Masyado pala siyang busy. Huwag siyang abalahin.

Atarah turned her attention back to what she's watching. Lumipas ang isang oras ay natapos na ito sa panonood pero ang lalaki ay busy pa rin. Dahil mabait naman siyang nilalang, she prepared some snacks and drinks for the two of them.

"Oh." Sabay lapag nito sa isang small table na hinila niya. Masyado kasing puno ng kung anong mga papeles ang round table nito.

"Gusto ko ng cold water." Hirit ni Treyton dito na noo'y nakatutok pa rin sa laptop.

"Nag-offer na nga ako, ginawa mo pa akong tagapagsilbi mo."

"Para may pakinabang ka ghorl."

"Aba't..." Atarah stopped herself. Kung hindi lang talaga ito busy, nako. Matapos hatiran ng tubig ang lalaki, bumalik ulit ito sa kanyang pwesto.

Inabala na lang nito ang sarili sa pagtitipa ng kung anu-ano sa laptop niya until she received a message through her e-mail. She opened it and her insides leaped in joy. One of her teams in her firm messaged her, asking for her help in her supposed to be project.

She immediately type a reply, agreeing to them. Of course, she wouldn't mind helping. Matutuwa pa nga siya dahil kahit papaano ay may ambag siya sa project ng team nila. She's supposed to be the project manager of it but because of her state, she needed to give it away pero ngayon, mukhang may maiiambag naman siya sa proyektong iyon kahit nasa malayo siya.

Sa pangangalkal nito sa mga folder niya, napunta siya sa collection ng pictures ng mga plates na ginawa niya when she's still studying. Lahat kasi ng architectural plates and drawings niya noon ay kinacapture niya at iniipon iyon sa isang folder. As a remembrance kumbaga.

When Heart DecidesWhere stories live. Discover now