Chapter 1

149 4 2
                                    

Chapter 1

DECISION

Two years.

Two years na pero ganun pa rin ang pakiramdam. Gigising ako ng umaga at siya pa din yung una kong maalala. Siya pa din yung gusto kong makita. Siya pa din yung gusto kong makasama. Ni hindi ko alam kung paano mangyayari na gigising ako ng umaga at hindi na siya yung hahanapin ko.

Hanga na tuloy ako sa mga taong, naiwanan ng mahal nila at magigising sa isang umaga na may mahal na silang iba at kaya na nilang mabuhay na wala na yung mahal nila dati.

Samantalang ako, hindi ko maisip na sasabihin ko yung katagang “mahal kita” sa iba. I feel like I’m cheating already. Pero alam kong hindi naman pwedeng mabubuhay akong ganito na lang palagi.

Masyado nang maraming nangyare para tumigil ako sa buhay at manatili sa mundong umalipin sa akin ng dalawang taon.

Pero ngayong araw, nagising akong iba ang pakiramdam. Parang gusto ko ng magdesisyong maging masaya kasi pagod na kong maging malungkot?

Naistorbo ang pagsesenti ko ng tunog ng isang cellphone.

*bzzt*

From: Ba-bes

Jace, yung pinapameet ko sayo mamaya ah? 11am sharp sa SM. Sinend ko na naman sayo yung number nya. Do contact her na lang, aright? Sana success, namimiss na kitang makitang kiligin eh.

Maliit na ngiti ang pinakawalan ko. Kahit ako namimiss ko na yung sarili kong masayahin. Sana tama ang sinabi niya, sana success.

Nagdial ako sa cellphone.

Calling Eyedea..

Yea, call me weird but I always do this. Simula nung nawala siya, eto na yung routine ko. I’ll pretend that I’m talking to her every effin’ time na namimiss ko siya o kaya sa simula ng araw ko.

“Hey babe. I may stop doing this after today. Alam ko ito yung gusto mo. Hindi kita makakalimutan. Nakatatak ka na dito. Pero ngayon, aayusin ko ang sarili ko.. Si Jace. Yung Jace na gusto mo. Si Jace na deserve na maging masaya din.. I love you, okay? Always. I’ll call you kapag okay na ko. Pag nakilala ko na yung para kay Jace.”

Dial tone.

Yung ginawa ko ngayon, big decision niya para sakin. Sobrang bigat ng desisyon na to. Pero handa akong panindigan to. Ngayong araw na ‘to, sisimulan ko ang Once upon a time ng isang babaeng pag aalayan ko ng lahat ni Jace.

Nag-drive ako papuntang mall na binabanggit ni Ba-bes. May pinapa-meet siya saking babae, blind date, tss.

Ang gandang Once upon a time nito ah. Once upon a time, ang isang lalaki ay nagmu-move on kaya hinanap siya ng pwedeng makablind date ng friend niya.. Tss

Cliché.

Pero, we’ll see. Simula’t sapul, paborito ako ng tadhana. Alam ko kung paano siya maglaro. Ngayon, pagalingan kami. I don’t know but it feels like something is going to happen today, something exciting.

Sumakay na ko sa escalator, napalingon ako sa paligid. Typical scenery sa mall, may mga nagde-date, nagseselfie, may family na kumakain, may batang nawawala, may mga high school students na pasimpleng naghoholding hands, este holding hinliliit?

Pumunta na ko dun sa food court, dun daw kami magkikita. Andaming tao, nakakatamad maghanap pero para sa Happy Ending ko, let the search begin.

Wala man lang binigay na clue sakin, kung nakared bang damit, kung anong hitsura.. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number nung babaeng imi-meet ko. Ilang saglit pa, nagriring na ang cellphone niya at sinagot niya. Luminga-linga ako to check if may babaeng nakahawak sa phone niya, nakakita ako ng 3. Yung isa, matanda na. Takte, ano ‘to? Haha. Hindi yan yun. Yung dalawa, mukhang dalaga pa, yung isa nakatalikod, yung isa maputi, payat at may mahabang buhok. Feeling ko ito yun.

His happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon