Chapter 2

102 3 3
                                    

Chapter 2

 

MY HEART

 

We exchanged numbers after that meeting. Funny how fate works. Me and my broken soul met a girl who seems to have a broken soul too. Really destined, huh?

From: Hevn

      Kaka-out ko lang sa work. Saan nga ulit mag-meet?

Yes. Actually, the way we started is not ordinary at all. Since we both had the same weird feelings the last time we saw each other, somewhat we decided to go out. Para kaming friends na hindi nilalagyan ng boundaries yung friendship. Ganun yun. Yung mga ginagawa namin pang-friends lang, like hang-out, share life stories, text and call each other, help each other and etc. Pero bukas kami sa posibilidad na, baka dumating ang panahon na humigit pa kami dun.

Meeting Hevn is like breathing again. I rarely frown and cry at all. Sometimes, I find myself smiling while reading her silly text messages. Somehow, I can feel ‘me’ again. Nakakalimutan ko yung ako na naiwanan. Yung ako na basag na basag. Yung ako na walang ibang ginawa kundi umiyak pag gabi kasi namimiss ko siya? Yung ako na mahina. Yung ako na walang gaanong pinapapasok sa buhay ko. Yung ako na sobrang dalang mong makikitaan ng ngiti. Yung ako na iniwan ni Eyedea.

Ngayon, nararamdaman kong, ako si Jace. Si Jace na handang gumawa ng mga bagong bagay at alala kasama si Hevn. Si Jace na handang magmahal ulit ng wagas and I like the feeling.

I replied to her.

To: Hevn

      Same place. Same spot na nakita kita sa mall tapos punta na lang tayo sa choice mo na kainan ng dinner.

      P.S Weird talaga yung pag mage-enter ako ng recipient ng message parang TO HEAVEN. Haha. Parang papadala ko sa heaven. *Kukunot ang noo mo tapos ngingiti ka bigla*

Jace na Jace di ba. Ganto na. Ilang linggo na kaming naghahang out ni Hevn. Hindi ko masasabing mahal ko na siya kasi babatuhin niyo ako ng kung ano-ano pero isa lang ang masasabi ko. Gusto ko siya. Gustung-gusto.

Nag-out ako sa office at sumakay na ng kotse ko para pumunta dun sa mall. Meeting place lang talaga namin ‘to pero hindi kami dito natambay. Aalis kami at pupunta kung saang lugar na gusto namin.

Pagdating ko, wala pa siya. Umupo na lang ako at naghintay.

Wala pang limang minuto, nakita ko na siyang palapit. Napalingon naman ako sa paligid, head turner. Tapos hindi niya alam na nakatingin sa kanya yung iba kasi nakangiti siya habang nakakunot noo na nakatingin sakin.

Pagkalapit na pagkalapit niya hinampas niya ko ng handbag niya.  Aray ko po. Lord, bakit nananakit ang ibinigay mo sakin?

“Adik mo! Pinagtinginan ako ng mga tao sa labas ng office nung nagtext ka kasi napahalakhak ako ng malakas. I hate you. ” nag-pout pa siya.

Napatawa lang ako sa sinabi niya. “Sa pagkakaalam ko 24 ka na hindi 2, wag ka mag pout. Parang bata. Haha. Sabi ko na nga ba magmumukhang baliw kasi tatawa ka after mo basahin e. Galing ko talaga.” Hinampas ko pa dibdib ko nun.

His happy EndingWhere stories live. Discover now