Chapter 5

70 1 7
                                    

Chapter 5

Memories

Days passed by. The trip to Bicol was fun! Andami naming tawa sa loob ng tren. We stayed in Bicol for a day bago yung trip ulit pabalik ng Manila. We did a lot of things. We got to know more each other. We saw things in different perspective.

We actually talked about ‘us’. Kung ano ba yung stage na namin, kung ano yung mali sa ginagawa namin, kung ano yung mga masayang alaala na napagsamahan na namin, kung ano yung alam na namin sa isa’t-isa. At yung usap namin na iyon, it made me realize things.

Things like, I can actually talk to her for hours, nonstop. I do not need to hesitate because in the first place, we’re friends. Very good friends, at that. I’m actually enjoying us. But still a part of me is still hurting. Ni hindi ko nga alam kung maaalis pa yun eh. At hindi ko alam kung gusto kong matigil yung sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Eyedea kasi, I don’t know, she’s my greatest love and I would take everything from her, even if it means I’ll break because of too much pain.

But I have decided to pursue Hevn. Actually, we decided to pursue each other. It’s weird but it complements who we are.

Hevn likes Irvin and even if it breaks my heart to be Irvin again, for her, I will be. For us, I will be.

She actually doesn’t know about me being the guy in the book. She even gave me the book, my book. Magkaidea man lang daw ako ng ‘love’ na gusto niya. She doesn’t know my past. But soon, she will.

After a week noong nag roadtrip kami, ngayon lang ulit kami magkikita. Nakakamiss minsan kasi hindi talaga kami madalas magtext or magtawagan pero okay lang. Ang astig lang kasi parang alam namin kung kailan magtetext at dapat itext ang isa’t-isa. Parang may kumokonekta samin, baka yung broken hearts namin.

Lumabas na ko ng kotse at nagdoorbell sa gate nila Hevn. Ilang saglit pa ay pinagbuksan ako ni Nanay.

“Oh Jace, umalis na si Hevn, hindi ka na nahintay eh. Sumama sa iba.”

Nanlaki ang mata ko. Para tuloy akong natuod sa nakinig ko kay Nanay. Seryoso? Hindi nga? Bakit? Anung ginawa ko?

Magsasalita na sana ako para magreklamo nang nakinig ko ang hagalpak ni Nanay. Hawak hawak niya pa ang kanyang tyan.

“Hahahaha! Grabe kang bata ka! Joke lang syempre! Masyado mo naman pinapatunayan na magaling talaga ako umakting. Hay nako, nagsisisi tuloy ako at hindi ako nag-artista nung kabataan ko.” Kung anu-ano pang sinabi niya pero ang nag-register sa utak ko ay.. joke lang yun. Walang iba si Hevn.

Nagkatrauma na ata akong maiwan o kung hindi naman nagkatrauma na kong maniwala. Yun lang naman yun e.

Ang isang tao pag nasaktan, it’s either, magiging possessive yun o magiging doubtful. Doubtful kasi laging ang tanong niya na sa sarili niya eh, kung si ganto nga nagawang iwan ako, siya pa kaya? o kaya naman, I don’t think I deserve anyone else’s love because I will never be an enough reason for someone to stay.

 

“Nanay talaga! Aatakihin ako sa inyo.”

“Baket naman, aber?” nanunuya niyang tanong sakin.  Nakita ko na si Hevn na kalalabas lang ng bahay. Sumesenyas pa siya na huwag ko sabihin kay Nanay na andun siya. Ano kayang trip nito?

His happy EndingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora