Chapter 3

71 1 10
                                    

Chapter 3

HER PAST

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko tuloy ngayon lang ipapakilala sa magulang. Hindi naman kasi ako sanay, kaibigan lang naman kasi ako. Kaibigan pa lang.

Eto na. Eto na. Naglalakad na kami paakyat sa bahay nila. Ang simple lang ng bahay nila pero may class at malinis. May grahe, may garden at may parang maliit na pond sa gilid.

Pinagbuksan kami ng isang babaeng siguro late 40s? “Ven, andyan ka na pala. Aba, sino yan ah?” Nagmano muna si Hevn sa kanya.

“Nanay, siya yung kaibigan ko na nagpatawa sakin ng malakas.”

Yung puso ko lalabas na sa kaba. Pakiramdam ko, dahil sa sinabi niya namula ako. Lumapit ako kay ‘Nanay’ at nagmano. “Nanay, ako po si Jace Fortalejo. Kamusta po kayo?”

Napangiti yung Nanay niya at napatitig si Hevn sa kawalan saglit.

“Magandang gabi sayo, Nak. Okay lang kami. Ay teka, Tatay Ben! Nandito na si Ven, kasama niya yung ‘KAIBIGAN’ nya ‘DAW’ na nagpatawa sa kanya ng malakas.” Napaubo ako kasi binigyang diin nya yung ‘KAIBIGAN’ at ‘DAW’. Ihhh naman.

“Nanay, puro ka kalokohan. Lalaki ulo ni Jace, baka akala niya pinipikot ko talaga siya kasi tinawag niyo ng anak!! Ay nako. Eto na.”

Ngumiti ako at, “Grabe ka Hevn, plano mo talaga ‘to noh? Tapos susuhulan mo pa ko ng paksiw na pata? Grabe. Sige na sige na, pinapayagan na kitang manligaw, pero sinasabi ko sayo ah.. hard to get ako..”

Tumawa siya ng malakas. Napansin ko na lumingon ang Nanay niya sa kanya at ngumiti na parang nakahinga ng maluwag. Ilang sandali pa, nagmamadaling bumaba ng hagdan ang tatay niya.. hanggang sa nasa harapan ko na siya.

“Ito na ba yon?”, mataray na sabi ni Tatay.

“Yan na yon, Tay. Nakinig niyo sinabi niya? Kapal ng mukha noh.” Loka naman ni Hevn e. Sinisiraan pa ko sa Tatay niya. Mababadshot ako.

Ibinuka niya ang kanyang braso at niyakap ako. Nagulat ako. Parang Welcome to my Family. Haha. Bumulong siya ng, ‘Salamat’.

Ang gaan sa puso.

“Drama niyo po. Sige na, Tay. Tara na sa kusina, lutuin na natin yung ‘suhol’ ko diyan sa lalaking yan na feelingerong froglet.” Irap irap pa. Mahipan ka lang ng hangin, ewan ko sayo.

“Sige, Nak. Tara. Hayaan mo muna yang si Anak no. 2 diyan sa Nanay mo.” Umuna na sa kusina si Tatay at naiwan pa si Hevn para magbehlat.

“Oh no, you didn’t just say feelingerang froglet. That’s gross, bro. I’m hard to please, so do good, aright?” Kinindatan ko pa siya.

“Whatever you say, frog.” At ayan na, walk out na siya.

Hindi ko na nga namalayang nakangiti ako kung hindi lang nagsalita si Nanay. “Tama na ang ngiti, nagmumukha ka ng ‘frog’. Umupo ka na dito at may ichi-chika ako sayo..” binigyan niya ako ng matamis na ngiti, singtamis ng sunshine. Korni, pwe.

His happy EndingWhere stories live. Discover now