CHAPTER 14: CRUSHED

114 54 0
                                    

L U N A

Dali-dali akong bumangon sa higaan ko dahil late na ako sa school! Kumiripas ako ng takbo sa banyo para maligo. Napatigil ako noong nag-ring ang phone ko at nakita kong Sabado pala ngayon. Hanep naman! Sa sobrang inis ko nasapo ko na lamang ang noo ko.

Bumaba na ako at pumunta sa salas. Nalungkot ako nang hindi ko makita si Daddy na nagluto. Lumapit ako sa table at mayroon siyang iniwang note dito. "Luna, I bought groceries last week. May mga delata naman, just cook them by yourself."

Naguguluhan ako dahil wala namang work si Daddy pero wala siya sa bahay. Pabagsak akong umupo and I can't help but to be frustrated and disappointed at myself. "Luna, kailan kaba magtitino?" tanong ko sa sarili. Sa sobrang tagal kong nakatingin sa kawalan, muntikan ko ng makalimutang mag-almusal.

Kumuha ako ng isang delata at sinubukan ko itong buksan gamit ang kutsilyo. Kahit anong pukpok na gawin ko rito, ayaw pa ring mabukas. Sa sobrang inis ko ay ibinato ko na lang sa sahig. "Aray ko!" Ang tanga ko namang magbato, paa ko pa ang natamaan! "Mama! Ang sakit!" Sa sobrang inis ko, tinapon ko na lang sa trashcan ang delata at nagluto na lang ako ng pancit canton, wala namang magbabawal sa akin kaya ayos lang.

Nang matapos ako mag-almusal, dumating na si Daddy at makikita mo sa kanyang itsura na galit ito at wala sa mood. Oh no, I'm in a big trouble. Sa sobrang kaba ko, parang anomang oras ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito.


J O R D E N

Kausap ko ngayon si Luna sa salas. Hindi naman ako galit sa kanya but I'm mad at her actions and decisions. She's being too reckless. Simula noong nakilala niya ang anak ni Harvey, she is slowly being hard-headed and disobedient. My biggest inspiration turned out to be my biggest disappointment.

"Dad, I'm really sorry po." Seeing her cry always break my heart into pieces.

"You choose to sing for their band than to defend your research title?! You know the consequences you might face for this yet you let your guard down!" Sigaw ko kay Luna dahil sa galit.

"I'm going to talk to my teacher, Dad."

"Ginagawa ko ang lahat just to protect you! That's what your Mom asked me to do because that's what she wanted for you!"

"Palagi na lang ang gusto niyo ni Mom ang nasusunod! Paano naman ang kagustuhan ko?! For once in my life, please let me decide what's best for myself at kung nandito lang si Mom, I'm sure maiintindihan niya ako."

"Luna! Matagal nang wala ang Mom mo! You are being delusional! Bakit lagi mong hinahanap ang wala?! Nandito naman ako sa tabi mo!"

"That's what I hated about you, you are so selfish!" Unti-unting nadudurog ang puso ko at parang paulit-ulit na binabasag dahil ngayon lang siya sumagot nang pabalang sa akin.

"Palagi na lang ang gusto ninyo ni Mom ang nasusunod! Paano naman ang kagustuhan ko! Once in my life, please let me decide what's best for myself at kung nandito lang si mom, I'm sure maiintindihan niya ako."

"That's what I hated about you. You are so selfish."

Paulit-ulit kong naririnig ang mga masasakit na binitawan niyang mga salita sa akin at unti-unti na rin akong nakaramdam ng pagkahilo.

Napatigil si Luna at agad napilatan ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"D-dad? A-are y-you okay?"

Agad akong bumangon at lumabas ng bahay. Sumakay ako ng kotse at pinaandar ito. Nakita ko si Luna na lumabas ng bahay at pinipigilan ako. Binilisan ko ang takbo nito at hinayaan ko na lamang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now