CHAPTER 25: FINGERS CROSSED

79 29 0
                                    

L U N A

"Luna, gising na..." Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang mukha ni Amethyst. "Nakauwi na tayo. Baba ka na sa sasakyan."

"Nasaan ang mga kasama natin?" Tanong ko sa kanya habang inuunat ang katawan ko.

"Hinatid tayo nina Marcus. Siya ang nagdrive ng sasakyan niyo. Grabe siya magmaneho, akala ko katapusan na natin kanina. Hindi na kita ginising para kapag natuluyan tayo, hindi mo na mararamdaman ang kamandag ng kamatayan," natatawang tugon niya.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at bumaba na kami. Unti-unting pumapasok ang liwanag ng araw sa garahe namin. Tumingin ako sa wrist watch ko, 5:30 AM na at Sunday na ngayon. OMG! Nakauwi na si Daddy!

"Are you worrying about your Dad?" Tanong niya.

"Nahuli ba tayo?!" Sigaw ko sa kanya. Agad-agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya. Ako namang loka-loka ay binigyan ito ng laway.

"Yuck, Luna! Kadiri ka!" Reklamo niya at sabay pinunas ang kanyang palad sa T-shirt ko.

"Bakit mo ba kasi tinakpan 'tong bibig ko?" Nakapamaywang kong tanong.

"Ang aga-aga pa kasi, ang ingay na niyang bibig mo!" Sigaw niya sa 'kin.

"'Wag kang maingay baka tulog pa si Daddy at magising natin," mahina kong sabi sa kanya.

"Paano pala kapag tinanong ni Dad kung saan tayo galing? Anong isasagot ko?" Tanong ko sa kanya.

Humawak siya sa kanyang baba na animong nag-iisip nang malalim, "Ganito, sabihin mo sa kanya na nagcamping tayo na kasama si Sol."

"Gusto mong palayasin ako? Saan ako titira?"

"Aba, malay ko! Ginusto mo 'yan!" Tumalikod na ito sa akin at akmang aalis na nang biglang hinila ko ang backpack niya.

"Amethyst, 'wag mo 'kong iwan, parang awa mo na. Mahal ko pa buhay ko." Lumuhod pa ako sa harap niya at niyakap ang kanyang paa. Nagpupumiglas si Amethyst at halatang naiirita na.

"Tulungan mo ako, please?" Pakiusap ko sa kanya.

"Haha! Joke lang! Ba't naman kita iiwan?" Natatawang sabi ni Amethyst at pinatayo niya na ako mula sa pagkakaluhod. "Ikaw naman kasi, ang tigas ng ulo at napakakulit mo! Ganito na lang sabihin mo kay Tito Jorden, I had a mental breakdown around 3:00 AM then I called you to come in our house. You used the car to get in our house so you can help me unwind my mind," suhestiyon niya.

Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. I think it's a good excuse. No, it is a great excuse. Sana Makumbinsi ko si Daddy.

"Uuwi muna ako sa amin baka nakahanda na ang mga damit ko sa labas. See you later!" Kinuha na niya ang mga gamit niya sa kotse. Mayroon siyang inihagis sa akin, agad ko itong sinalo at pagbukas ko ng palad ko ay susi pala ng 'to kotse namin. Luna you're unbelievable, hindi mo man lang hinanap ang susi ng sasakyan. Hinatid ko na si Amethyst sa gate at tuluyan na itong umalis ng bahay namin.

Isinara ko na ang malaki naming gate at nagtungo sa backdoor namin para hindi mahalata ni Daddy kung gising man siya ngayon. Kinuha ko sa doormat ang spare key ng bahay namin. Sana nandito 'yong susi. I crossed my fingers habang kinakapa ko ito. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong nandito ang susi.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at tuluyan na akong nakapasok sa bahay. Victory! Lumapit ako sa refrigerator namin at may nakita akong nakadikit na note rito.

"Where have you been? You're grounded once you got home."

Bakit agad nakauwi si Dad? Sa pagkakaalam ko, bukas pa lang siya uuwi. Umiling-iling na lamang ako nang mabasa ang note ni Daddy. Kinuha ko ang isang kartong gatas at isang kahong cereals. Matapos magtagumpay sa aking misyon, dahan-dahan akong umakyat sa hagdan para hindi magising si Daddy. Last step na lang, Luna, makakarating ka rin sa kwarto mo.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabitawan ko ang isang kahon ng cereals na bitbit ko na kumalabog sa hagdan. Napabuntong-hininga at napailing na lamang ako.

Hay, Luna! May butas ba yang mga kamay mo? Iritado kong pinulot ang mga cereals at ibinalik sa kahon. Wala pa namang five minutes ito sa sahig kaya pwede ko pang kainin.

Makalipas ang ilang minutong pagkabigo sa aking misyon, narating ko na rin ang kwarto ko. Lumingon ako sa isa pang pintuan kung saan lulan nito si Daddy.

Idinikit ko ang ulo ko sa pintuan ni Dad. Rinig na rinig ko ang malakas niyang paghilik. Hinakawan ko ang doorknob at binuksan ang pintuan nang dahan-dahan. Kahit madilim sa kanyang kwarto, kita ko pa rin siya dahil sa sinag ng araw galing sa kanyang bintana. Yakap-yakap niya ang kanyang unan at mahimbing na natutulog. Akmang aalis na ako at isasara ang pintuan nang marinig ko ang kanyang boses.

"Luna..."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now