CHAPTER 37: STAR GAZING

119 13 2
                                    

LUNA

Nalaman nanaman ni Daddy ang nangyari sa school. Hindi ko alam kung kagagawan ba ito ni Stella o kung may kasabwat siya.

At dahil doon, one week akong grounded. One week niya rin akong sinusundo sa school dahil nag-iba ang schedule niya sa work. Ngayong araw ng Huwebes, natapos na ang one week kong pagiging grounded.

Malaya na ako ulit! Nakatanggap ako ng message kay Bryan at niyaya kaming pumunta sa kanila mamayang 8PM.

Sinabi niya sa 'ming mayroon daw na Super Moon at sakto mayroon siyang telescope!

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko dahil hindi ako mapakali. Tumingin ako sa wall clock at 6:30 PM pa lamang.

Bumaba na ako sa hagdan at nagtungo na sa kusina. Nakita ko si Daddy na nag-aayos na ng mga pinggan.

"Dad, aalis ako mamaya," pa-unang bati ko. "Hindi pwede," sagot niya sa 'kin. Hays, expected. Hindi ako papayagan.

"Dad, pupunta lang naman ako kina Bryan. D'yan lang naman sila sa kabilang kanto," pakiusap ko sa kaniya.

"Sige na nga pero kumain ka muna. Hatid nalang kita mamaya sa kanila," pagpayag niya at nagpatuloy na sa pagkain. Napangiti ako bigla at niyakap ko siya.

Kung hindi ako pinayagan ni Dad, balak kong dumaan sa bintana. Itatali ko ang mga kumot ko at mag-aala Spider-Man muna ako. Joke! Hindi pwede 'yon!

Dapat tayong sumunod sa ating mga magulang dahil ang seguridad lang natin ang kanilang iniisip. "Anong oras ka ba uuwi?" tanong niya sa 'kin. "Mga 10PM po, ayos lang po ba?"

Nang matapos kaming kumain, bumalik ako sa kwarto ko para maligo na. Suot-suot ko ngayon ang kulay itim na jogging pants na nilabhan ko kanina at isang kulay grey na sweater. Malamig mamayang gabi dahil sa labas kami ng bahay mababonding.

Bumaba na ako sa hagdan at pumunta na sa garahe. Nakita ko si Daddy na pinapainit na ang sasakyan.

Pumasok na ako sa sasakyan na dala-dala ang isang bag. "Gusto mo magmaneho, anak?" tanong ni daddy sa 'kin. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib.

Kung magmamaneho man ako ngayon, wala naman siguro akong masasagasaan dahil nasa loob lang naman kami ng subdivision at kung mabubunggo kami, may life insurance naman kami ni Daddy kaya ayos lang.

"Sige po, Dad. Ako nalang po magmaneho," tugon ko sa kaniya at nagpalit kami ng puwesto. Umupo na ako sa driver's seat at sinuot ang seat belt. Nakita ko si Daddy na nag sign of the Cross.

"Daddy naman!!!" sigaw ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. Inistart ko na ang kotse at nagmaneho na.

"Luna, sa kaliwa! Sa kaliwa!" sigaw ni Daddy sa akin habang papunta sa kanan ang sasakyan namin.

Tumutulo na ang pawis sa noo ko dahil sa kaba. Pumunta na rin sa kaliwa ang sasakyan ngunit na apakan ko ang gas at may malapit na humps. Kaya muntikan nang lumipad ang sasakyan namin.

Pinarada ko na ang sasakyan namin at si Daddy na ang nagmaneho. "Grabe anak parang sumakay ako ng roller coaster." At natawa si Daddy. Bahagya rin akong natawa pero nahihiya ako sa kaniya. Road to hospital ba naman ang aking pagmamaneho.

Makalipas ang ilang minuto, narating na namin ang bahay nina Bryan. Nakita ko na si Bryan na palapit sa 'min. Naka-itim siyang shorts, nakakulay puting sando at may suot-suot na headphones.

"Hello po, Tito!" Inalis ni Bryan ang headphones niya at nagmano kay Daddy. "Sinong kasama niyo mamaya?" tanong ni Daddy. "Si Amethyst lang po at saka ilang mga kaibigan namin." sagot ni Bryan. "May kasama pa ba kayong ibang lalaki?" tanong ni Daddy.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now