CHAPTER 47: PEACE OFFERING

51 9 0
                                    

LUNA

Kinabukasan, nag-eempake na kaming apat at hindi kami umiimik ni Sol magsimula na pagkagising namin.

Kumukirot ang puso ko dahil hindi ako kinukulit ni Sol at ang lamig ng pakikitungo niya sa'kin.

Katapos namin mag ayos ng gamit at mag-almusal, pumunta kami sa isang simbahan dito sa Baguio, kailangan natin magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya na ibinibigay Niya sa'tin at syempre pinagdasal ko rin ang pamilya namin, mga kaibigan ko at si Sol.

Katapos namin magpasalamat pumunta kami sa isang well sa gilid ng simbahan at hinulog ko ang isang daan ko roon. Itinodo ko na para maging totoo ang wish ko.

Bumalik na kami sa van nang matapos na ang aming visit sa simbahan at isinuot ko ang earphones ko at eyecover ko at natulog kami dalawa ni Amethyst.

Kagising ko, wala na si Sol at hapon na kami nakarating sa bahay, ibinaba na namin tatlo ang mga maleta.

Nagtungo na ako sa taas, naghilamos at agad humiga sa kama ko at natulog ako.

Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko, agad ako bumangon at bumungad sa'kin ang itsura ni tita Jade.

"Honey, is there something wrong? Simula kaninang umaga ganyan kana," sambit ni tita Jade, umiwas ako ng tingin sa kaniya at niyakap ako. "You can tell me what's wrong..."

"Ang sakit sakit po kasi tita eh." Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit at humagulgol. "Ayoko po kasi saktan si Sol pero ayon po nasaktan ko siya..." Hinimas-himas niya ako sa likuran.

"Natatakot lang po kasi ako tita, at ayaw ko po siyang nasasaktan dahil po sa'kin." Ang sakit at sobrang hirap ng nilalamon ka ng sariling isip at ng mga kinakatakutan ko, gusto ko man lumaban pero hindi ko kaya. Isa akong duwag at hindi marunong lumaban sa buhay.

"Hindi ko man alam ang nangyari, pero kung nasaktan mo nga siya, I think you need to apologize to him. Alam mo ba kanina? Sobra siya nag-aalala at sobrang lungkot ni Sol para sayo..."

Pinunasan ni tita ang mga luha ko. "I can sense fear sayo Luna, you don't need to be afraid, kilala na kita Luna, simula ng maliit ka pa lamang marunong ka ng lumaban sa buhay at ni minsan hindi ka pa sumuko." Napatango na lamang ako. "Ano po ang kailangan ko po gawin tita?"

"Mag sorry ka sa kaniya at syempre, bumawi ka sa kaniya, sigurado akong nagtatampo ngayon ang Sol mo."

Sobra ako nagpapasalamat dahil kasama ko si tita Jade ngayon, kung hindi, hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin. Niyakap ko muli si tita Jade at hinalikan niya ako sa noo. "Smile na ha?"

"Opo!"

Nagtungo na ako sa banyo ko at naligo. Katapos ko maligo, naalala ko 'yung isang bracelet na ginawa ko noong bata ako. Saan ko kasi nailagay iyon? Binuhat ko ang kama ko at nakita ko sa ilalim nito ang isang bracelet na kulay itim at asul.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Magugustuhan niya ba ito? Bahala na! Ang mahalaga pupuntahan ko ang lalaking iyon para humingi ng patawad, kung ayaw niya e 'di wag!

Nagtungo na ako sa kusina at niyaya na ako ni Amethyst na kumain. "Ayos ka lang, Luna? Napano ka?"

"Mamaya ko na i-chika sayo."

Katapos naming kumain, lumapit sa'kin si tita Jade. "Gusto mo bang ihatid kita kina Sol?" tanong niya. "Ayos lang po ba tita?"

"Oo naman no!" sagot ni tita. Biglang sumulpot sa likuran ni tita Jade si Amethyst.

"Ma saan kayo pupunta? Sasama akoooo." Lumingon si tita Jade sa kaniya. "Pupuntahin namin si Sol, hahatid ko lang si Luna."

"Katapos natin ihatid si Luna, may bibilhin lang ako sa kanta ma, ayos lang po?" tanong ni Amethyst at nagpa-cute pa sa kaniyang mama. "Sige na nga! Mag-ayos na kayong dalawa! Mukha kayong mga bruha!"

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora