TEASER

96 2 0
                                    

[BoyXBoy|Yaoi|RomCom]

My Nuisance Heart

"Alam kong mali at malabo talaga pero masama ba na umasa akong mangyayari sa akin ang mga napapanood ko na BL series? Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naranasan na magmahal at mahalin... 'yun ang akala ko, akala ko mahal niya din ako."

~ Boyet (My Nuisance Heart)

"Huwag mong isipin na ginamit lang kita, dahil hindi totoo 'yon. Minahal kita, at iba ang pagmamahal na 'yon sa lahat."

~ Ephrain (My Nuisance Heart)

*****

Ako si Boyet Ignacio, isang working student, kasalukuyang nasa ikatlong taon na sa kursong Human Resource Management and Development, never nagkaroon ng bisyo not until dumating ako sa yugtong ito ng buhay ko kung saan adik na adik ako sa panonood ng mga Boys Love series. Bilang isang NBSB tanging itong mga palabas na lamang na ito ang dahilan kung bakit ako kinikilig bukod sa pag-ihi, pero dahil din sa mga palabas na 'to ay umaasa ako na isang araw ay makilala ko ang taong para sa akin sa pinakaromantikong paraan.

Hindi naman masamang umasa hindi ba? Hindi naman masamang mangarap ng mga romantikong tagpo tulad nang kung paano nagkakakilala ang mga paborito kong karakter, sabi nga nila mangangarap ka na lang din naman taasan mo na ang standard, pero hindi ko lang alam kung handa na din ba akong masaktan kung dumating man ang araw na ma-in love ako.

*****

Author's Note:

Ang My Nuisance Heart ay isa sa aking mga bagong kwento, inspirasyon ko sa paggawa nito ang mga kaibigan ko at maging sarili ko na nakahiligang manood ng mga BL series, at siyempre inspirasyon ko din dito ang mga BL series na napanood ko (not only Thai). Magkagano'n man ang kwentong mababasa niyo ay likha lamang ng malikot kong imahinasyon maaaring may mabanggit sa kwento na mga pamilyar na pangalan ng karakter o titulo ng palabas o pangyayari sa riyalidad ngunit ginamit ko lamang iyon upang magbigay ng mas makatotohanang pakiramdam sa bawat mambabasa.

Sincerely yours,

Adamant

My Nuisance HeartWhere stories live. Discover now