Chapter 06

203K 9.7K 9.1K
                                    

#DTG06 Chapter 06

"Isobel..." pagtawag ko sa beadle namin sa Persons.

"Yes?" sagot niya.

"Pwede favor? Kasi wala pa si Vito. Pwede kayang makiusap sa proctor na maghintay kahit 15 minutes lang?" tanong ko sa kanya. Kaka-announce lang kasi na wala na naman si Atty pero nag-iwan siya ng quiz. Akala ba ni Vito na hindi papasok si Atty kaya hindi na lang din siya pumasok? Pero hindi naman siya ganon. Pumapasok naman siya dati kahit hindi kami sinisipot ni Sir.

"Ah, si Sartori?" she asked and I nodded. "Got it. I'll buy you 15 minutes, but text him na magmadali na."

Nagpasalamat ako sa kanya bago bumalik sa pwesto ko. Nakita ko na naka-tingin si Sancho sa akin. Tinanong ko na lang siya kung sumagot na ba si Vito, pero sabi niya walang sumasagot ng cellphone niya.

Nang dumating iyong proctor namin, nakita ko na kinausap siya ni Isobel. Agad na pumayag iyong proctor. Sobrang ganda kasi ni Isobel. Minsan nga napapa-tulala din ako sa kanya, e.

"Hindi ba talaga sumasagot?" tanong ko kay Niko na nagrereview.

"No," sabi niya. "But he really sometimes does this. I'm sure he's fine."

"Normal lang sa kanya na hindi magparamdam?"

"I mean, he's got a life outside law school," sabi niya habang naka-tingin pa rin sa binabasa niya. Hindi ako naka-sagot. Tama naman siya. Baka nasobrahan lang ako sa pag-alala. "Hey... I didn't mean to offend you or anything."

Umiling ako. "Di naman ako na-offend," sabi ko sabay bukas din ng notebook ko. Makapag-aral na nga lang.

"Maybe he's just with his family," sabi ni Niko. Ngumiti na lang ako sa kanya. Tama naman siya. Baka nga may inasikaso lang... Kagaya nung huling beses. Akala ko absent siya pero birthday party niya pala. Baka may pinuntahan lang na birthday.

Nang matapos iyong 15 minutes, lumingon sa akin si Isobel at nagsabi ng sorry. Nagpasalamat lang ako sa kanya. At least nagtry pa rin siya. Pero wala na kaming magagawa dahil nagsimula na talagang magpamigay ng questionnaire iyong proctor.

Mabilis lang akong natapos magsagot. Nang lumabas ako, nagtext ulit ako kay Vito. Naghihintay lang ako na sumagot siya, pero naka-labas na at lahat si Niko, wala pa rin akong nakuhang sagot.

"Ride with me?" tanong ni Niko. Tumango na lang ako. Sa kanya talaga ako sasabay dahil wala si Vito. Tahimik lang ako sa sasakyan. Hindi naman kinakabahan si Niko at Sancho... Imposible naman na wala silang alam dahil high school pa lang daw magkakaibigan na sila...

Baka nga may iba lang talagang ginawa.

"For your peace of mind, I'll go to Vito's place after dropping you off," sabi niya.

"Text mo na lang ako na okay siya."

Tumango siya. "Nice to know that you're this concerned over him."

"Nakakapagtaka lang kasi. Hindi naman siya ganito na hindi nagpaparamdam."

Tumawa si Niko. "You still have a lot to learn about him," sabi niya tapos huminto na sa tapat ng LRT station. Tinanggal ko na iyong seatbelt ko.

"Salamat. Ingat ka. Text mo ko, ha?"

Nagroger sign siya sa akin. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa maka-rating na ako sa boarding house. Kumain muna ako ng hapunan tapos sinubukan kong magbasa. Patingin-tingin ako sa cellphone ko para tignan kung nagtext na ba si Niko, pero wala akong nakita.

May nangyari kaya kay Vito?

O ulyanin lang talaga si Niko?

Halos madaling-araw na akong naka-tulog sa kahihintay ng text ni Niko. Nang magising ako kinabukasan, wala pa rin akong nakitang text. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Dumaan din ako sa tindahan para magpa-load. Habang naghihintay ng masasakyang jeep, sinubukan kong tumawag kay Vito, pero patay iyong cellphone niya. Tumawag din ako kay Niko, pero hindi sumasagot. Malamang e tulog pa iyong isang 'yun. Wala naman akong number ni Sancho.

Defy The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now