Chapter 35

148K 8.2K 3.4K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG35 Chapter 35

Gulat na gulat sina Niko nang lumabas ako sa kwarto. Ilang araw na rin akong nandoon. Nung una, umiiyak lang ako... pero napagod din ako.

Napagod akong umiyak.

Napagod akong maawa sa sarili ko.

Nakakapagod na wala kang magawa kung hindi ang umiyak at maawa sa sarili mo.

Pero ang paulit-ulit na buma-balik sa isipan ko ay kung paanong hindi lang ako ang nag-iisa an ginawan nun...

Na meron pang iba.

Pero paano sila?

Ma-swerte ako na nandito ang mga kaibigan ko para lumaban para sa akin nung mga panahon na ang tanging gusto ko lang ay sumuko. Paano sila? Paano kung walang luma-laban para sa kanila?

"Assia," pagtawag ni Niko sa pangalan ko. Napa-tayo siya nang makita ako na para bang isa akong multo na biglang lumabas. "Thank God—"

"Pupuntahan ko si Vito."

"What?"

"May sasabihin lang ako sa kanya," sagot ko habang diretsong naglalakad papunta sa pinto. Ramdam ko ang tingin nila sa akin. Nandito sila. Araw-araw. Pinag-aaralan iyong discovery ng kabilang kampo. Pilit na naghahanap ng butas para maka-lusot kami sa gulong sinimulan ni Atty. Villamontes... na hinayaan ni Trini.

Pero bago pa man ako maka-labas ay humarap ako sa kanila at bahagyang ngumiti.

"Babalik din ako agad," sagot ko bago tuluyang lumabas. Agad akong dumiretso para puntahan si Vito. Ayaw akong papasukin, pero nagpa-kilala ako bilang isa sa mga abogado niya. Doon lang ako pinapasok nang ipagpilitan ko na bilang abogado ni Vito, karapatan ko para makita ang kliyente ko ng kahit na anumang oras.

Minsan... kailangan mo na lang din talaga na ipilit kung ano iyong tama.

Kasi nakaka-pagod matapakan.

Tahimik akong naghihintay sa pagdating ni Vito. Ilang araw kong pinag-isipan. Ilang araw kong binalikan. Ilang araw kong narinig kung paano hindi lang ako iyong nauna...

Kung buhay pa siya, malamang hindi ako ang huli...

"Niko said you talked to Trini," agad na bungad niya sa akin nang dalhin siya sa loob ng kwarto. Kita ko iyong galit sa mga mata niya. Tahimik lang ako habang sinasabi niya sa akin na dapat ay hindi ako lumapit kay Trini, na dapat lumayo ako sa mga Villamontes.

Alam ko naman na tama siya.

Dapat naman talagang lumayo ako...

Pero kung lumayo ako, sa iba lang siya lalapit...

Kasi hindi naman ako iyong problema—siya ang problema.

"Sinabi rin ba ni Niko sa 'yo na si Trini iyong tumawag sa pulis?" tanong ko nang maubos na ang sasabihin niya sa akin. Nakita ko iyong pag-igting ng panga niya. Bahagya akong ngumiti. "Hindi mo naman kasalanan na sinabi ng pinagtanungan mo kay Trini," sambit ko sa kanya. "Wala kang kasalanan—wala akong kasalanan."

Bahagyang umawang ang labi niya.

Bahagya akong ngumiti.

"Nitong mga naka-raang araw, nagkulong lang ako sa kwarto habang umiiyak..." Huminga ako nang malalim. "Pero syempre alam mo 'yan kasi sinasabi ni Niko sa 'yo lahat ng ginagawa ko."

"I just—"

"Alam mo rin na tapos na ako sa BAR."

Tumango siya. "In few months, you'll be a lawyer, too..." Ngumiti rin siya nang bahagya. "It just took you a little longer, but you'll be a lawyer, too... But that's the dream, right? To be a lawyer? No matter how long it takes? No matter how hard?"

Defy The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now