Chapter 4

1.6K 63 3
                                    

AILEEN

"Bilisan mo kaya no? Nung isang linggo ka pa hinihintay ni papa"

"Oo na. Hmp!" Nakaheels kasi ako kaya ang bagal ko maglakad. Sinundo kasi ako ng kuya ko galing sa trabaho papunta dito sa ospital. Kasalukuyan kaming naglalakad paakyat sa kwarto ni papa.

Nandito na kami.. Bubuksan palang yung pinto parang dinudurog na ang puso ko.

"Aileen. Anak namiss ka ni papa" Bungad sa akin ni papa.

"Namiss din kita papa. Kamusta ka na?" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ramdam ko na kung gaaano kalaki ang pinayat nya. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Ayaw ko kasing makita niyang nalulungkot ako e.

"Mabuti naman anak. Hindi ka masyado bumibisita sa akin ah. Masyado ka atang busy sa trabaho. Naku mag vitamins ka palagi wag mo papabayaan ang sarili mo"

Ganito na nga yung sitwasyon niya pero kami parin lagi ang inaalala nya. Huminga ako ng malalim para pigilan luha ko. Nagkatinginan kami ni Kuya.

"Naku pa! Hindi lang yan sa trabaho busy. Busy din yan sa pag seselfie at gandang ganda siya sa sarili nya eh. Hahaha!" Pagbibiro ni Kuya.

"Bakit maganda naman talaga yang anak ko ah. Buti kamuka ko!" Natatawang sabi ni papa.

"So? Pinapalabas mong panget si mama, pa?" Pabirong sabi ko.

"Ma panget ka daw oh!" Pangdadagdag ni Kuya.

"Ay at talagang hindi sya sumagot oh!?" Galit galitang sabi ni mama.

"Hahaha. Ito naman! Siyempre ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko!"

"Ayieee. Kiss mo nga si papa, mama. Hahaha!"

"Hala. Pereng sere tong kuya mo Aileen oh!"

"Luuh! Kinikilig si mama oh! PBB Teens, PBB Teens?"

"Tse tumahimik kayong magkapatid!"

"HAHAHAHA!"

Nagtawanan kaming lahat. Nagkwentuhan lang kami buong gabi at kumain. Nakakamiss din yung ganto eh. Masaya sana kung hindi napakadaming aparatong naka kabit kay papa.

Hindi na namin namalayan yung oras. Gabi na din pala. Napagdesisyunan na namin umuwi ni kuya. Nagpaalam na kami ni Kuya.

"Ma. Pa. Una na kami ni Aileen"

"Sige mga anak. Mag iingat kayo ha? Lagi niyong tatandaan Mahal na Mahal ko kayo" Laging ganyan si papa pag aalis na kami.

"Papa naman kung magsalita. Parang hnd na magkikita ulit eh. Bibisita ulit ako dito bukas. Wag ka mag alala" Sabi ni Kuya.

"Siyempre mga anak hindi natin masasabi kung kailan ako kukunin ng Panginoon. Pwedeng mamaya pwedeng bukas. Ang mahalaga nasabi ko sainyong Mahal ko Kayo"

"Pa stop na sa mga ganyan ha? Matagal ka pa namin makakasama. Okay? Alis na kami. Love you!" Kiniss ko siya sa noo. At lumabas na kami ni Kuya..

"Kuya. May pupuntahan lang ako ha? Una ka na sa bahay"

"Papapigil ka ba?"

"Hindi. Haha." Alam na niya kasi.

"Sige basta mag iingat ka ha? Text mo agad ako pag may problema!"

"Oo. Kuya. Ingat din"

Pinagpara ako ni Kuya ng taxi.

"Saan po tayo Maam?"

A Casanova's HeartbreakWhere stories live. Discover now