CHAPTER 2

4.1K 116 0
                                    

Janine

Nanunulis ang ngusong naglilinis ako ng sahig sa hallway dito sa 20th floor. Kanina pa nakauwi si Juvelyn at kung hindi pa dumating ang babaeng iyon sa Café ay hindi ko pa malalaman ang kanyang sikreto.

Alam kong wala akong karapatang malaman iyon pero haler? Long time best friend niya ako. Nakakatampo lang.

Kaya ayun, sinabi niya sa akin ang lahat at ang haliparot kong kaibigan ay may relasyon pala sa boss namin?

Ang taray ni ateng. Nagka love life agad. Tsk. Tsk. Binalaan ko pa naman siya noon na wag maglalapit sa boss naming womanizer. Ewan ko lang kung tumigil na ba siya sa pambababae, pero ako ang makakalaban niya kapag sinaktan niya ang kaibigan ko.

Wala namang kaso sa akin ang relasyon nila. Support pa nga ako. Biruin mo naka jackpot agad si mareng Juvelyn?

Back to topic. Ayun nga, sinabi niya sa akin ang lahat lahat ang I swear, abot hanggang galaxy ang pagkagulat ko.

Well may part parin na nagtatampo ako pero okay naman na ako. Siguro nasa state of shock pa din ako.

"Hi miss janitress."

Ang kaninang nanunulis kong nguso ay napalitan ng pag-igting ng bagang. Lumingon ako sa gawi ng pinaggalingan ng boses na iyon at sinuguro kong makikita niya ang nag-aapoy kong mga mata dahil sa galit.

"At ano namang ginagawa mo dito tukmol ka?"

"Is that the right thing to welcome the special guest?" Nakangising aniya.

Umayos ako ng tayo at bahagyang yumukod sa kanya saka plastik na ngumiti.

"Ano po bang ginagawa ng napakaimportanteng guest na tukmol dito?" Nanlalait ang aking boses.

Humagalpak na ako ng tawa sa aking isipan nang marinig ko ang tawanan sa paligid.

Nawala ang ngiti sa labi ni tukmol saka tumikhim. Balik na ulit sa pagka bad boy aura ang peg niya.

"Why do you always angry at me? I'm being kind here."

I rolled my eyeballs three time's bago ko iyon itinigil dahil nakakahilo pala. Nanliit ang mata ko saka ulit siya sinamaan ng tingin.

"So kasalanan ko pa na naging mataray ako sayo? Itanong mo kaya sa sarili mo kung ano ang dahilan kaya ganito ang pakikitungo ko sayo." Umiirap kong ani sa kanya.

He face remain stoic bago nagsalita.

"Hi self. What's the reason why she's angry at me everytime?"

Umawang ang labi ko at napa face palm. As in? Seneryoso talaga niya ang sinabi ko?

"Bahala ka nga diyan. Ewan ko sayo."

Tumalikod na ako sa kanya at sinimulang linisin ang sahig na may dumi na naman.

Kakaiba din itong tukmol na ito, may pagka slow. Figurative yung ibig kong sabihin pero sa kanya literal.

Wow. Note the sarcasm please.

"Tsk. Your not even say thank you to me that day." Narinig kong bulong nito.

Napatigil ako sa paglilinis at bumaling sa kanya na ngayon ay nakangisi na naman! Argh! Yung ngisi niyang kinaiinisan ko!

"Alam mo. Ang kapal talaga ng fess mo. Ilang thank you na kaya ang sinabi ko sayo. At teka nga, wag mo ng ipaalala yun sa akin." Mataray na wika ko sa kanya.

Bumalik na ulit ako sa trabaho ko. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago ko narinig ang papalayo niyang yapak.

Nakanguso ulit akong naglilinis dahil hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha nang maalala ko na naman ang nangyari sa pesteng kalsada na iyon.


Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now