CHAPTER 15

2.6K 105 0
                                    

Janine

Nanlalabo ang matang iminulat ko ito. Pakiramdam ko bugbog ang buo kong katawan. Hindi ko ito maigalaw. Ang lalamunan ko ay parang natuyuan na ng laway, parang wala akong boses na maiusal.

Gamit ang pakiramdam, may malamig na bagay na nakagapos sa aking kamay at paa. Nang tuluyan ko ng maimulat ang aking paningin ay unang bumungad sa akin ang maduming kuwarto.

Sobrang sakit ng ulo na parang pinukpok—

Shit!!

Tuluyan ko ng iminulat ang aking mga mata habang nagpupumiglas. Sinubukan kong magsalita ngunit ngayon ko lang napagtanto ang panyo na takip sa aking bibig.

"Gising na pala ang bihag natin. Tawagin niyo si boss."

Mabilis akong lumingon sa kabilang gilid ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Nakasuot siya ng bonet kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. May kasama pa siyang isang lalaki na naka bonet din habang ang isa naman ay kanyang inutusan.

"Hmpp!! Hmmp!!"

Hinihingal akong tumigil sa papumiglas dahil nananakit na ang aking kamay at paa. Mahapdi na ito at kahit hindi ko ito tingnan ay alam kong may sugat na ito.

"Tumahimik kang babae ka!" Bulyaw sa akin ng lalaking nagsalita kanina.

As if naman tatahimik ako!!

Gusto ko iyong isigaw pero dahil may takip ang aking bibig ay hindi ko magawa. Bumalik na sila sa kanilang ginagawa at hindi na ako pinansin.

Nagsimula na naman akong magpumiglas ngunit mas lalong humahapdi ang kamay at paa ko.

Si Tanya lang naman ang kasama—

Double shit!!

Bakit ko nga ba nakalimutan na may saltik siya sa utak? Bakit ba ako naawa sa babaeng yun duon sa parking lot?

Si Khairo.

Si tukmol nalang ang inaasahan ko ngayon. Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang makita si nanay na gumaling! Gusto ko pang mag kapamilya kasama si—

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok dito ang babaeng pinagsisihan kong tulungan.

Tanya the crazy.

Bigla siyang ngumisi ng nakakakilabot.

"Oh well, our special guest here is awake. May gusto ka bang ihabilin sa pamilya mo bago ka mawala sa mundong ito?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na nagpumiglas pa dahil sa sakit ng mga kamay at paa ko.

Tumawa lang siya ng nakakaloko bago sinenyasan ang isang tauhan niya na lumapit sa gawi ko. Iyon ang pananaw ko.

Tinanggal nito ang panyo sa aking bibig kaya nagawa ko ng makapagsalita.

"Sana pala hindi na kita tinulungan! Walang hiya kang baliw ka! Kapag ako nakaalis dito, kakalbuhin kita! I swear Tanya the crazy! Isa kang baliw kaya bumalik kana sa mental hospital! O mas tamang sabihin na sa kulungan! Mabulok ka duon!"

Hinihingal akong tumigil sa pagsasalita habang masamang nakatingin sa baliw na babae na nakangiwi habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga.

Gayun din ang kanyang mga kasama.

"Argh! I hate your voice so shut up! Kung ayaw mong ngayon mismo ay patayin kita. And by the way, I'm not offended on what you have said, because yes, I'm crazy. Crazy and madly in love with Khai." He playfully licked his lower lip na ikinangiwi ko.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now