CHAPTER 19

3K 108 0
                                    

Janine

Isang mabahong amoy ang nakapag pagising sa akin dahilan para mapatayo ako at tumakbo papuntang banyo dahil parang hinahalukay ang tiyan ko at duon sumuka ng sumuka.

I felt a hand on my back softly caressing habang pinupunasan ko ang aking bibig.

"Are you okay?"

Nanghihinang tumango ako at humarap sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin na bahagya niyang kina-igtad.

"Ano ba kasi yung mabahong amoy na yun? Parang ang lansa!"

"Ahm.. It's the omelette rice."

Mas lalong sumama ang mukha ko at lumabas ng banyo. Duon ko nakita ang isang tray na may lamang breakfast namin. Kabilang na duon ang omellete rice na naging dahilan ng pagsusuka ko.

"Itapon mo nga yan!" Naiinis na bulyaw ko habang nakatakip sa aking ilong. "ang baho! Wag mong ipapakita yan ulit sa akin kundi sa sofa ka matutulog!"

Dali-dali namang kinuha ni tukmol ang tray at lumabas ng kuwarto. Nakahinga ako ng maluwag at hindi na tinakpan ang aking ilong.

For now, we stayed on the house that he bought last year. Isa itong subdivision kung saan dito din nakatira sila Juv.

Naglakad ako paupo sa kama habang iniisip kong anong nangyayari sa akin. Hindi ko lang talaga gusto ang amoy ng omellete, eh paborito ko naman yun.

Mabilis akong naiinis sa walang kwentang dahilan. Ano bang nangyayari sa akin?

Napahiga na lamang ako sa kama at napatitig sa kisame. Ilang minuto akong naghintay kay tukmol na may dala ng hotdog at ham.

"Is this okay with you? Pinatapon mo kasi ang omellete."

Tumango lang ako at umayos ng upo saka humarap sa kanya. Dahil isang malaking plato lang ang dala niya, ibig sabihin lang nun ay magkasalo kami.

"Are you not feeling well? Your straight three days vomiting."

Umiling lang ako bago isinubo ang hotdog na inuma niya sa bibig ko.

"Hindi naman. Kapag nakakaamoy lang talaga ako ng mabaho nagsusuka ako."

"But omellete rice is not smelly." He pointed out.

Sumama ang mukha ko. "Kinukwestiyon mo ba ako? Kasalanan ko bang hindi ko gusto ang amoy ng omellete rice?"

"W-What? Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin."

Padabog akong tumayo at balak sana siyang halikan sa pisngi nang may maamoy ako.

Suminghot ako sa kanyang leeg na ikinakislot niya.

"Baby, stop sniffing my neck. I'm hard as rock down there." Nahihirapang ani niya sa akin.

Itinigil ko nga ang pagsinghot sa kanya at tinakpan ang ilong ko.

"Bakit ang baho mo?! Maligo ka nga! Ang lansa mo!"

Naglakad ako palayo sa kanya at kumuha ng towel sa banyo at bumalik sa loob saka hinagis sa kanya ito na agad naman niyang nasalo.

Inamoy pa niya ang kanyang sarili. "But baby, I'm wearing your favorite perfume. I'm not smelly. Seriously, what's your problem?"

Hindi ko siya pinansin at bumalik ako sa banyo at ni-lock ito.

"Kung ayaw mong maligo edeh wag! Wag na wag kang magpapakita sa akin ngayong araw!"

Hindi ko na narinig ang kanyang boses na pinagpapasalamat ko. Mabilis kong tinapos ang aking pag ligo baka nakatapis ng tuwalya na lumabas sa banyo.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora