CHAPTER 8

2.9K 107 0
                                    

Warning: Matured Content!!

🍒

Janine

"Nay, kumusta na po ang pakiramdam niyo?" Tanong ko kay nanay na ngayon ay nakaupo na sa hospital bed.

Bumisita lang ako dito para dalhan sila tatay ng ulam at nga gamit. Mamaya ay uuwi na din ako sa bahay kasama si tukmol.

0//////0

Hindi ko pa din maiwasang alalahanin ang nangyari sa amin kagabi. 'Muntik' na akong sumuko sa halik niya kung hindi lang ako napaso sa niluluto kong adobo.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil napaso ako, o hindi nalang dahil nabitin ako.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko at nginitian si nanay na maganang kumakain.

"Maayos na ang pakiramdam ko, anak. Wag ka ng mag-alala." Sagot niya sa tanong ko.

"Konting panahon nalang nay, mao-operahan na kayo."

Nasabi ko din kasi kay nanay ang tungkol sa pagtulong ni tukmol. Hindi matawaran ang saya ni nanay at napaluha nalang siya. Pero kagaya ng sabi ni tukmol, willing talaga siyang tumulong.

Kapalit ng kondisyon niya.

Hindi naman mahirap ang kanyang kondisyon. At alam ko yung sa simula pa lang. Pero habang tumatagal ang pagsasama namin, pakiramdam ko ang hirap ng kanyang kondisyon.

Dahil alam kong hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kapag kasama ko siya. Kagaya nung nangyari sa amin kagabi.

Ngumiti sa akin si nanay at hinawakan ang aking kamay. Marahan niya itong pinisil.

"Salamat sa tulong ng nobyo mo, anak. Hindi ko alam kung paano bumawi sa kanya." Mahina ang boses na usal niya.

Napangiti ako at sumulyap kay tukmol na kausap si tatay. Mahina lang ang boses na nag-uusap kami ni nanay kaya alam kong hindi niya kami naririnig. Isa pa, masinsinan ang pag-uusap nila ni tatay.

Kung alam mo lang ang katotohanan, nay.

"Kagaya ng sabi niya, gusto talaga niyang tumulong." Baling ko ulit kay nanay.

"Kahit na, anak. Sobrang laki na ng kanyang naitulong."

Nginitian ko lang si nanay at inabot sa kanya ang tubig dahil tapos na siya sa kanyang kinakain. Nang matapos na siya sa pag-inom ay ako na mismo ang nagligpit ng kanyang pinagkainan.

"Babalik na ba kayo bukas, anak?" Tanong ni tatay habang nagliligpit ako ng pinagkainan.

Sinulyapan ko siya saka tipid na ngumiti.

"Opo tay. Bukas babalik na ako sa trabaho. Pero bibisita pa din naman ako dito."

"Ganun ba? Mag-iingat ka duon anak. Ikaw naman hijo, bantayan mo itong anak ko. Medyo pasaway pa naman ito."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni tatay.

"Ako na po ang bahala sa anak niyo Tito?"

Mas lalong tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni tukmol. Nginisihan lang niya ako at binalik ang atensyon kay tatay.

At kailan pa niya tinawag na Tito si tatay? Feeling close na close lang?

Kaya siguro masinsinan silang nag-uusap kanina?

Napailing-iling nalang ako bago kinuha ang isang hindi naman kalakihan na bag na naglalaman ng damit na kailangan kong labhan.

"Aalis na kami tay. Bantayan niyo ng maigi si nanay." Paalam ko habang bitbit ang bag.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now