21

10.4K 374 23
                                    

Kasalukuyan akong nag lalakad sa hallway papunta sa cafeteria. Naka earphone din ako at naka face mask tsaka hoodie na jacket. Ayoko kasing mag pakita, eh at baka may bumati pa sa'kin dito at mag taka si Eurich mabuko pa'ko.

"Hi! napag utusan lang ako. Pinapatawag ka ni King Lexus papunta sa kan'ya." sabi ng isang babaeng estudyante. Hindi na n'ya ako hinintay sumagot at basta na lamang s'ya umalis.

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi n'ya dahil may earphone sa tainga ko. Ano bang sinabi n'ya?

"Blythe?" napalingon naman ako sa tumawag sa'kin, si Eurich. Itinuloy ko lamang ang pag lakad ko at hindi pa s'ya pinansin.

Nag madali naman s'yang lapitan ako at hinawakan ang braso ko.

"Blythe? Sasama ka? mamaya may birthday party ako at dito lang din gaganapin." saad ni Eurich at nagkasalubong naman ang kilay ko.

Bakit naman s'ya mag pa-party dito? Alam ko na Princess s'ya pero hindi ba't sikreto n'ya iyon? Hindi ba mag tataka ang mga estudyante dahil may special treatment?

Sineryosohan ko na lamang s'ya ng tingin bago sumagot, "Oum, punta ako." malamig kong sagot.

"Yown! mabuti naman kung ganun dahil mag tatampo talaga ako kapag hindi ka pumunta dahil lang tinatamad ka." sabi pa n'ya na ikina hinga ko nang malalim. "Malamang pupunta ako dahil ako lang naman ang nag iisa mong kaibigan." sabi ko na na-realize n'ya at nginitian ako.

Nabaling ang tingin ko kay Thaddeus at Aisler na palapit sa amin ni Eurich ngayon. Napa-iwas ako ng tingin kay Aisler dahil naiilang ako.

"Why are you wearing a face mask?" takang tanong ni Thaddeus sa akin habang naka pamulsa.

"It's none of your business." masungit ko namang sagot sa kan'ya. Mukha naba akong tanga dahil dito sa suot kong mask? 'Di naman siguro dahil maganda naman ako.

"Okay. By the way, happy birthday again, Eurich. Nagustuhan mo ba 'yung gift ko sa'yo?" sabi ni Thaddeus at ito namang si Eurich ay kinikilig.

"Oo naman, nagustuhan ko talaga 'yon at iyon ang pinaka the best na natanggap ko sa buong buhay ko." kinikilig nitong sabi na medyo ikinatawa ko nang marahan. Ano namang iniregalo sa kan'ya ni Thaddeus?

"I like your priceless reaction, Eurich. You're so pretty." dugtong pa ni Thaddeus. Masyado na silang kumo-corny, ah.

Ito namang si Aisler naka tingin lamang sa'kin habang naka pamulsa. Ano bang problema n'ya?

"Lexus wants to see you, right?" tanong na n'ya sa'kin kaya naitaas ko ang kilay ko, "Bakit daw?"

"I don't know." sagot n'ya lang kaya hindi ko na s'ya pinansin.

***

Nang mag gabi, si Eurich ang nag handa ng isusuot ko at mag kasama din kami ngayon sa iisang kwarto.

Tinu-tulungan ko din kase s'ya mag ayos kahit pa wala akong alam sa mga make up. Pero sa pag pili ng gown, doon ko s'ya natulungan.

"Ang ganda ko, sh*t!" mura n'ya habang naka titig sa malaking salamin. Nginitian ko lamang s'ya habang inaayos ang buhok n'ya.

Ewan ko ba, gusto ko naman kasama si Eurich at maayos naman ang relasyon naming dalawa bilang mag kaibigan pero hindi ko malaman kung bakit palagi akong iritado sa kan'ya at naiinis na tila may galit. Hindi ko nalang pinapansin ang nararamdaman ko kaya binabalewala ko na lamang.

"Blythe? mag bihis kana, lalabas nadin ako, eh. Ikaw na ang bahala dito, ah? Thank you!"

Nag madali na din s'yang lumabas at iniwan na ako dito.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now