47

12.5K 318 83
                                    

"What the hell is the meaning of this, Lexus?"

Agad kong itinutok sa mukha n'ya ang conversation nila ni Aisler. Seryoso lamang ang mukha niya at nakapanatiling kalmado na medyo ikinainis ko.

Ayan na naman s'ya, he's invalidating my feelings again.

"That was 3 months ago, Lucy." maikli nitong sagot kaya mariin akong napapikit at muling humarap sa kan'ya.

"You planned to kill me?"

Inabot ng ilang segundo bago siya sumagot, "Yes,"

Napatigil ako't hinintay pa ang susunod niyang sasabihin.

"Aisler ordered me to kill you pero hindi ko ginawa. Even if he gets mad at me, I don't care. Because for me, all I have to do is to protect you."

"Protect me? Is that how you protect me? You let him hurt me, Lexus. Kung una palang sinabi mo na edi sana sinakyan ko lahat ng plano n'ya."

"You don't understand. You really don't understand. Hindi nila alam ang totoo kong pagkatao, and in order to protect myself, I also chose to protect my position as a king of death. Hindi ko puwedeng tanggihan ang utos ni Aisler dahil mas mataas ang posisyon n'ya kaysa sa akin. He's a king of all and I'm just a king of death. I just did my best to protect you from him, kahit pa pag dudahan niya ako. So, stop asking me about it dahil tapos na'yan." paliwanag niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero mas lamang ang paniniwala ko kaysa sa hindi. Tinatanong ko lamang ang sarili ko kung dapat ba siyang pagkatiwalaan.

Pero kung ako mismo ang tatanungin ay nag titiwala ako kay Lexus. Malaki ang tiwala ko sa taong ito at napatunayan niyang hindi ako nagkakamali.

Lahat ng kuwento niya sa Bloody Game ay totoo, lahat ng sinasabi niya ay totoo, lahat ay napatunayan niya nang walang kahirap-hirap. At ngayon, kahit mahirap, mag titiwala ako sa kan'ya dahil mahal ko ang taong ito.

Pero sa ngayon ay hindi muna ako makapag salita.

"I'm sorry, I'm sorry, love." saad nito at hinawakan ang pisnge ko.

"I know it's very difficult to trust again, but I promise you that you won't regret trusting me. I love you so much and I can't do anything that will destroy us. Lucy, look at me...I love you."

Tumingin ako sa mga mata niya at kita ko naman ang tunay niyang sinasabi. Nag titiwala ako at mag titiwala ako sa kan'ya.

Ito na ang huli dahil kapag nalaman ko na hindi totoo si Lexus sa akin ay hinding-hindi na ulit ako mag titiwala sa buong buhay ko.

Lokohin na ako ng lahat, traydorin na ako ng lahat, at saksakin na ako ng lahat, pero 'wag lang si Lexus.

Dahil ang taong ito ang nag bibigay kasiyahan sa puso ko, nakakapag pagaan ng loob ko, at ang taong mahal na mahal ko.

Alam kong hindi n'ya alam iyon pero sa akin nalang 'yon.

Alam kong sasabihan n'ya lamang ako ng corny kapag sinabi kopa sa kan'ya ang mga iniisip ko. Tsk!

"Kapag nalaman kong hindi ka nagpapakatotoo sa'kin ay humanda ka talaga. Okay?" may inis sa tono ko pero ngumiti lamang ito.

Hays, wala na nanghihina nanaman ako. Nakakainis naman 'to! Nawala tuloy ang galit ko.

"Anong nginingiti mo d'yan?"

"The bruise on your face is cute."

Tsk! Anong cute dito? Ang sakit-sakit nga kapag hinahawakan. Bwisit kasi si Allison, basta-basta nalang nang-aaway. War freak amp.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now