chapter 9: Mini House

940 23 0
                                    

Ana POV

"Ana, wait" napatigil ako ng sumigaw si vince sa likod ko bago ako makapasok sa loob ng unit namin.

"What?"

"Bakit hindi ka lumaban?"

"Anong lumaban?"

"Bakit hindi ka gumanti?" Inis na hinarap ko siya. Kita mo sa mata niya na nag-aalala siya.

"Simula ng iwan mo ko hindi ko na alam kung pano maging mataray, hindi ko na rin alam kung pano lumaban. Hindi na rin ako Queen bitch simula ng umapak ako dito sa pilipinas. Lahat binago ko kyng sino ako ngayon" pinipigilan kong maiyak dahil siya lahat ang dahilan kung bakit ako naging mahina at naging simpleng babae.

"Sorry, hindi ko alam na nagbago ka na. Masaya ako dahil worth it yung ginawa mo sa sarili mo"

"Yes and I'm proud to myself cause I made it. And I wanna say thank you for leaving me" napatulo yung luha ko sa huli kong sinabi.

"Sorry, please forgive me" napaiyak na ako ng tuluyan tsaka siya hinampas-hampas sa dibdib. Hinawakan niya yung kamay ko bago ako yakapin doon ko na iniyak lahat ng yakapin niya ako.

Matapos kong umiyak pinunasan ko yung luha ko bago siya hinarap.

"Sorry" yun lang bago ako pumasok sa loob ng unit tsaka sinara ang pinto. Napaiyak muli ako pero pinigilan ko agad, pumasok ako sa banyo para maligo ulit at magbihis.

Pasalamat ka klea nagbago na ako.

Sumilip ako sa veranda ng humangin ng malakas. Lumapit ako doon kaya nakita ko lahat ng naliligo sa dagat na masaya. Wala kang makikita na malungkot at wala kang makikita na may problema. Nagpahangin lang ako saglit bago bumaba. Nakita ko naman sina elle na nag-aalala, nilibot ko yung paningin ko ng makita ko si vince na nagtuturo sa mga ka-school mate namin.

"Ana, are you alright?" Ngumiti ako kay elle na nag-aalala.

"Yes, so let's go. Gusto ko ng pumunta sa bundok hehe" nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Pinag-alala mo ko gaga ka" natawa na lang ako sa sinabi niya. Lalakad na sana kami ng makita namin si grey na may tinatawagan pero ayaw sagutin kaya yung mukha niya hindi na maipinta.

"Dre, may problema ba?" Tanong ni jake. Napansin niya rin pala.

"Si pia, ayaw sagutin yung tawag ko"

"Baka busy sa mga ka-school mate natin, you know tour guide siya dito" paliwanag naman ni miguel dito. Ngumiwi na lang kami ng sumunod siya samin.

"Si karl?" Takang tanong ni jane samin na lumilinga-linga pa.

"Tsk" singhal ni jake bago naunang maglakad.

"Hala ka, nagselos tuloy" sisi ni miguel dito kay jane na nagtaas ng kilay.

"Paki ko"

"Ouch, dre oh" sumbong ni miguel kay jake na malayo na. Hinampas naman siya ni elle na kinatawa niya. Mga baliw amputs.

"Magka-dikit na yung kilay mo" sabi ko kay grey na busy sa phone niya. Malamig niya naman akong tinignan na kinalunok ko.

"What?"

"Yes, look at your face in the mirror"

"Eh, kung tadyakan kita?"

"Oh, natakot ako haha" asar ko pa lalo na kinainis niya.

"Abay, gusto mo talaga ah" sigaw niya habang papalapit sakin bago pa siya makalapit ng tuluyan tumakbo na ako. Lumingon naman ako sa kaniya ng malayo na ako sa kaniya pero ganun na lang gulat ko ng mahawakan niya yung kamay ko.

The Cold GuyWhere stories live. Discover now